Chapter 8

50 3 2
                                    

"You can call me Eingel." ang kaninang matamis na ngiti nang babae ay napalitan ng kanyang seryosong awra. "Nothing is exciting about me. I'm not also hoping that we guys will get along. I just want to have a peaceful life here in your school."

Kasunod ng palakpakan at hiyawan sa buong classroom ay ang malakas na palo ng stick ni Miss Veronica sa whiteboard.

"Quiet boys! ang iingay nyo!" sigaw ng guro

"Tol, ano daw pangalan? labahan?" kunot noo kong nilingon si Vernon na ngayon ay nakikigulo nanaman sa likuran.

"Di ko alam tol, anghel nga rinig ko e." sagot ng kausap niya.

"Miss Hernandez, you may seat now." ani Miss Veronica sa dalaga. Nakasunod lang ang tingin ko sakanya, she looks familiar e.

"Uhm, hi? is this seat vacant?" hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala sya

"Hindi yan vacant, Miss. Eto oh, dito sa tabi ko vacant." pinukpok ni Jiyo ang katabing si Winston.

"Ulol ka, saan na ako uupo?"

"Yes miss, that seat is vacant. You can occupy it." sagot ni Quel. Tila nanahimik ang lahat dahil doon, pero pagkalipas ng ilang segundo ay umingay ulit ang silid sa pamumuno ni Vernon of course.

"Kingna yan, ngayon lang kita narinig nag english, bebe ko." asar nito sabay halakhak. Pinagbabato naman sya ni Quel ng papel.

"Quiet!" muling sigaw mi Miss Veronica. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sainyo boys, graduating na kayo hindi pa din kayo nadadala. Because of that, get one whole--"

"shit of paper.. tangina mo kasi Vernon, gulo mo!" pabulong na asik ni Quel sa harapan nyang si Vernon

lumingon naman ang lalaki para ipagtanggol ang sarili, "Tol, ako nanaman? di na nga ako nagsasalita, behave na nga ako-"

"Mister Lazaro, do you really want to get detention? dinaig mo pa ang sampung babae sa sobrang daldal, ano magn-newscaster ka ba?" napuno nanaman ng tawanan ang buong klase.

"No Madam, I apologize." paumanhin ni Vernon, pigil namang natatawa ang mapagmahal na kaibigan niyang si Quel sa likuran. Sa sobrang saya ay sinipa-sipa pa nito ang upuan ni Vernon, mabuti na lamang ay nanahimik na yung isa.

Kung hindi ba naman siraulo 'tong gagong 'to. Nananahimik na nga yung kaibigan nya uumpisahan niya nanaman.

"Get one whole, faster! anong akala nyo makakalimutin na ako?" ang kaninang tawanan ay napalitan ng hiyawan. "Except for Miss Hernandez, since late na sya sa mga lessons she'll take special exam instead." dagdag pa ni Miss Veronica

"Madam, sasayawin nalang daw po ni Vernon yung Fantasize ni Ariana Grande, wag ka lang magpa quiz."

"Gago ka, gusto nyo talagang deretso detention ako?"

"Bahala kayo! Number one-" wala na kaming nagawa kundi kumuha ng one whole. Ballpen lang ang inilabas ko dahil madaming papel tong katabi ko.

"Oh, Luna." abot saakin ng dalawang pirasong papel. "Konti nalang magkakapapel na ako sa buhay mo." aniya at natawa

"corny mo."

"Number two--" sigaw ng guro

"Madam, wala pa nga akong number one!" reklamo ng isa kong kaklase

"Ano, ako pa mag-aadjust? hindi ka kasi nakikinig puro ka pokemon! hindi ko na alam gagawin sainyo, osya Fernando, tumayo ka dito bilis!"

Pati ako napaangat ng tingin sa harapan.

"Bakit ho, Madam?" kabang tanong ni Alex. Sa sobrang kaba niya ay nautal-utal na siya.

"Ikaw na magturo dito, tutal mas magagaling naman kayo kesa sa teacher!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Adoring your Luminance (Celestial series #1)Where stories live. Discover now