FAMILY'S SECRET 2

74 5 0
                                    

Hacienda Wiccandi

"YES, ina. Nasa byahe na kami nila kuya. Opo. See you there." Pagkatapos kong ibaba ang tawag ay nakangiti akong lumingon kay ahia at nag thumbs up sa kanya.

"Ahia, pag pagod ka na, ako naman ang magda-drive." Ani dihia na nakaupo sa back seat ng kotse.

Bahagyang nitong idinungaw ang ulo sa pagitan namin at nagmasid sa paligid. Tango lang ang isinagot ni ahia sa kanya.

"Aren't you sleepy, shobe? Halos isang oras pa ang byahe, matulog ka kaya muna?" Baling nitong tanong sa'kin. Pinitik ko ang kanyang noo bago umiling.

"Umayos ka nga dihia, baka bigla kang masubsob." Paalala ko rito. Ngumuso ito at hinimas ang noong pinitik ko bago muling sumandal sa kanyang inuupuan.

Kasalukuyan naming binabagtas ang daan patungong San Cristobal, Quezon. Doon nakatira ang grandparents namin, sa ibabang bahagi ng bundok Banahaw. Mas gusto kasi ng mga ito nang tahimik na buhay kasama ang mga alagang hayop. Naroon rin kasi ang kanilang negosyo at ari-arian.

"Gusto mo bang mag stay muna kila abuelo? Susunduin ka na lang namin sa Huwebes, para makapag pahinga at handa ka pa sa graduation mo." Suhestiyon ni ahia habang nakatutok ang atensyon sa daan.

Pakiramdam ko'y pumalakpak ang aking tenga sa narinig. Ipagpapaalam ko pa lang sana yon kila ina!

"Are you sure, ahia? Hindi ba kayo busy? Finals na ni dihia and I know na abala ka rin sa pagtulong sa implanta." Mahina kong ani at nilingon rin si dihia. Muling itong dumungaw sa pagitan namin ni ahia at ginulo ang aking buhok.

"We can always make time for you, shobe." Sagot ni ahia at sinulyapan ako para ngumiti.

"We'll fetch you on Thursday afternoon. Tapos na rin naman ang exams ko sa tanghali." Dugtong pa ni dihia. Napatangu-tango ako at malapad na ngumiti.

Hindi ko alam kung bakit pa ako nakakaramdam ng kulang kung biniyayaan naman ako ng mga maalaga at malambing na kapatid. Napakaswerte ko na sa kanila. Pero bakit parang kalahati pa rin ng pagkatao ko ang hindi kompleto? Gano'n ba kalaking kawalan si kuya Rain sa'kin na kahit hindi ko naman ito personal na nakilala ay lubha akong apektado?

Nang mapansin kong malapit na kami sa Banahaw ay binaba ko ang bintana ng wrangler. Bahayga kong iniutlaw ang aking ulo at sinamyo ang sariwang hangin.

Ito ang isa sa pinakagusto ko sa probinsya, the unpolluted air. Napakapresko ng simoy na nakakapag pagaan sa pakiramdam. Lalo na ngayong umaga. Hindi katulad sa syudad na bukod sa maingay, kontaminado na ng mga usok at ibang kemikal ang kapaligiran.

"Dihia, nakapagdala ka ba ng cat food para kay Eclipse?" Lumingon ako rito panandali nang maalala ko ang pusang itim ni abuelo.

"Uh-huh. Hindi makakalimutan." Kindat nito sa akin at muling ibinalik ang atensyon sa kanyang cellphone.

Napakatagal na itong alaga ni abuelo. Ang sabi pa sa'kin ni abuela ay mas matanda pa ito keysa tio Luisiano. S'ya ang panganay na anak nila abuela at nasa 54 na ang edad nito. Cat usually has 10 to 15 years lifespan but Eclipse is different.

"Dumaan muna tayo kay Rain bago dumiretso sa hacienda." Napatango kaming pareho ni dihia sa sinabi ni ahia. Matagal-tagal na rin simula nung huling beses kaming dumalaw sa kanya.

Nang makarating kami sa sementeryo ay agad kaming bumaba dala ang bulaklak na binili namin sa nadaanang flowershop kanina. Mag aalas-otso na ng umaga kaya't matingkad na rin ang sinag ng araw.

"Mukhang nanggaling na rin dito sina tio Luisiano at tio Leonel." Komento ni ahia habang tangan nito ang payong.

Saka ko lamang napansin ang mga sariwang bulaklak at 'di pa gaanong upos na kandila sa puntod nito. Bahagya kaming yumukod upang haplusin ang kanyang lapida. Tatlong taon lamang si kuya Rain nang lisanin nya ang mundo, walong buwan bago ako ipanganak.

Sheriagre La Vecchia: A Family's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon