Unfamiliar Guests
—
THEY said death is the end of everything. Sa ayaw o gusto natin, doon rin hahantong ang lahat ng may buhay. Walang makakaligtas, mahirap man o mayaman. All we can do is to accept their fate and move forward.
But how can I do that? Pakiramdam ko'y kulang na kulang pa ang mga taong pananatili ni abuelo kasama namin. Hindi sapat ang halos walumpung taong pamamalagi n'ya rito sa mundo.
Hindi ba pwedeng humiling kahit kaunti pang panahon? I swear, hinding hindi na ko kailanman magrereklamo sa buhay na meron ako. Tatanggapin ko na ito nang buong puso, walang halong katanungan o pagkadismaya. Ibalik lang sa'min si abuelo, gagawin ko ang lahat. I will never act like a spoiled brat again.
"Shobe, hindi mo na naman ginalaw ang pagkain mo." Rinig kong maktol ni dihia sa gilid. Hindi ko ito nilingon at pinagpatuloy ang pagkatulala sa labas ng bintana.
Wala akong ibang maramdaman kung hindi lungkot at panghihinayang. Ngayon ang huling araw ng burol ni abuelo ngunit sa loob ng tatlong araw ay wala akong ginawa kun'di ang magkulong sa kwarto.
Hindi ko s'ya kayang makita sa loob ng arkang magsisilbing panibago n'yang tahanan ngayong wala na s'ya. Hindi ko kayang titigan ang dibdib niyang hindi na nagtataas baba, indikasyon na wala na s'yang hininga.
"You're making us all worried, shobe. Baka ikaw naman ang bumigay n'yan, you're not eating and you barely sleep." Nahimigan ko ang pag-aalala sa tono nya. Masuyo nitong hinaplos ang buhok ko bago humingang malalim.
"Hillary is here, dumating siya kani-kanina. Nag-aalala rin s'ya sa iyo." Anito bago tumayo at hagkan ako sa tuktok ng ulo.
Maya-maya pa ay lumabas na rin s'ya ng kwarto, sunod namang pumasok sa kanya si Hillary. Patakbo itong lumapit at yumakap sa akin habang humihikbi.
"Bri, I'm sorry kung ngayon lang ako." Aniya sa pagitan ng mga iyak. Napapikit ako ng mariin upang pigilan ang pagpatak ng mga luha.
Sa tatlong araw kong pagkukulong sa kwarto ay wala akong ibang ginawa kun'di magmukmok. Mahapdi ang puso ko, hindi ko alam kung kailan ko matututunang tanggapin na wala na nga talaga si abuelo.
"Sabi ng kuya mo, hindi ka raw kumakain? What food do you want? Gusto mo bang magluto ako ng favorite mo, chicken curry?" Tanong nito nang medyo humupa na ang kanyang pagiyak. Hinawakan n'ya ang magkabila kong kamay at pinisil iyon.
"I don't have the appetite to eat, Hillary. I just want my abuelo back." Mahina kong sagot nang nakatungo. Pakiramdam ko'y hinang-hina ako. Dahil siguro sa pagod, antok, walang kain at lungkot.
Kaya ba kakaiba ang ngiti niya noong kaarawan nya? Iyon ba ang paraan nya ng pagpapaalam?
Napakaraming palaisipan sa akin ngayon. Noong una ay pinalampas ko pa ang kakaibang haba ng buhay meron ang alaga niyang pusa, ganoon rin ang hiwaga ng medalyon na palagi n'yang suot. Ngunit coincidence rin ba na ang pagkamatay ni abuelo ay s'ya ring pagpanaw ni Eclipse? Sumabay pa sila sa death anniversary ni kuya Rain.
"Akyat tayo sa bundok." Kumunot ang kanyang kilay sa sinabi ko. Magkahalong gulat at pagtataka ang gumuhit sa kanyang mga mata.
Mt Banahaw is known as sacred and holy mountain. In fact, many religious groups gather here every Lenten season. Marami ring tagong sekreto at kwento ang bundok, lalo na ang mga kweba. Narinig ko pa ang sabi sabing may posibilidad raw na magkaroon ng magandang kinabukasan ang kung sino mang makaligo sa Banal na tubig; isa sa mga bokal na matatagpuan dito. In some cases, it can also give them the ability to see their future.
"Anong gagawin natin sa doon, magdadasal?" Hindi makapaniwala nitong tanong.
Kung wala lamang ako sa ganitong sitwasyon ay tinawanan ko na s'ya. Lalo't hindi maipinta ang kanyang mukha na para bang isang malaking kabaliwan ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Sheriagre La Vecchia: A Family's Secret
FantasíaLabyrinth Devereux Archanteau, a pampered girl from Manila, had always described her 20 years of existence as dull, despite having everything in life. After her beloved abuelo passed away, she was sent to live with her abuela in their provincial hom...