Day One
—
HOW dare these people accuse my family of something they cannot do? Gano'n ba kalaki ang galit ng mga taong 'to sa grandparents ko para siraan sila sa'kin?
Nang makalabas ako sa triclinium ay nakasalubong ko pa sina Matthaius. Babatiin n'ya pa sana ako ngunit agad rin yung naputol nang dali-dali ko silang nilagpasan. He's with Valkyrie, Vatroslav and Avreoliore. Mayroon pa silang lalaking kasama na sa tingin ko'y isa ring sangreals.
I don't have time for them now. I need to know the truth! Kahit malakas ang kutob kong kasinungalingan ang sinabi ni Forth ay patutunayan ko iyon sa kanila!
Lakad-takbo kong tinahak ang daan patungo sa open field, nangingilid man ang luha ko'y pinigilan ko itong tumulo. Hanggang sa hindi ko na napansing natisod ako sa sarili kong mga paa. Ito ang naging dahilan upang mabitawan ko ang bote na kaagad nitong ikinabasag, tumapon rin sa sahig ang laman nito.
"No, no, no." My abuelo's potion! This can't be happening! Kailangan ko pa iyong inumin!
Pupulutin ko pa sana ang mga bubog na may bahid nang kaunting likido, ngunit may kamay na agad pumigil sa'king braso. I tried to remove his hands, but he only gripped my wrist tighter. Inis akong nag-angat ng tingin, kasabay nito ang paghatak n'ya sa akin patayo.
"What is your problem now, Vatrolsav?! I need the elixir!" Bulyaw ko rito ngunit nanatili lamang ang matigas n'yang ekspresyon.
He shook his head and turned his gaze below. Maging ako ay napatingin na rin sa sahig kung saan natapon ang potion.
"See it for yourself." Napalunok ako nang dalawang beses. Ang damong kanina'y kulay berde ay naging itim. Para itong nasunog at namatay. What happened? When did it happen!?
"I'm sorry, Labyrinth. For finding the truth in this way." Narinig kong usal ni Forth sa likuran. I didn't notice that they followed me.
Nanlamig ang buo kong katawan, nanginig ang mga binti ko kaya't napaupo ako sa sahig. Tulala akong nakamasid sa elixir hanggang sa tuluyan na itong masipsip ng mga halaman. Nalilito ako, wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Naramdaman ko na lang na nabasa ang aking pisngi.
Did my abuela really try to kill me? Why? Why would she do that?
"Maybe your abuela has a reason, Labyrinth. Kung ano man 'yon ay s'ya lang ang nakakaalam." Dinaluhan ako ni Forth at marahang hinaplos ang aking likod, habang ako ay pilit umiiling.
No! Hindi magagawa sa'kin ni abuela iyon! She won't betray me! Apo n'ya ako at alam ko kung gaano n'ya kami kamahal! Maybe she accidentally gave me the wrong elixir? Posible naman iyon, 'di ba? Lalo't si abuelo ang gumawa no'n, perhaps she overlooked it? Baka gano'n nga ang nangyari!
I should not overthink. Abuela has a reason, for sure. Hindi n'ya magagawa sa'kin ito!
Kahit nanghihina ang buo kong katawan at pinilit kong tumayo, agad naman akong inalalayan ni Forth at Hime. Nilingon ko sila at kiming ngumiti. "She wouldn't dare to do this to her own flesh and blood. Patutunayan ko iyon sa inyo."
Lilinisin ko ang pangalan ng pamilya ko. I won't let someone ruin my grandparent's name! Isasaksak ko sa kokote ng mga tao dito na mabuting tao sina abuelo. Kahit nagkamali sila noon sa pagtalikod sa Tierra Mistica ay hindi pa rin makatarungang itakwil sila, I will make sure to bring justice to them.
"I'M really sorry for what happened earlier, Labyrinth. I'm not the kind of person who will meddle in someone's business, but I just can't let and watch you die either."
I decided to rest after the incident. Hindi na ako muling bumalik pa sa triclinium, sa halip ay nagpahatid na lamang sa pansamantala kong tirahan. Ang sabi ng high priestess ay mas makakabuti sa'kin kung nasa pangangalaga ako ni Forth, kaya't sa Trevelyan district ako tumuloy. Wala rin naman akong pamimilian lalo't hindi ko pa alam kung saang elemento ba kabilang ang abilidad ko.
BINABASA MO ANG
Sheriagre La Vecchia: A Family's Secret
FantasyLabyrinth Devereux Archanteau, a pampered girl from Manila, had always described her 20 years of existence as dull, despite having everything in life. After her beloved abuelo passed away, she was sent to live with her abuela in their provincial hom...