FAMILY'S SECRET 15

60 3 0
                                    

Servause

SENSITIZE your body, empty your mind, concentrate on your breathing. Kung tutuusin ay simple at madali lang naman itong gawin. Hindi ko lang maintindihan sa sarili ko kung bakit kahit ilang beses ko na itong sinusubukan ay hindi ko pa rin makuha-kuha.

Even after trying various techniques and methods that are supposed to make it easier, I still can't accomplish it. May mali ba sa ginagawa ko?

I was sitting alone in the open field, sa 'di kalayuan ay may mga estudyanteng nagsasanay rin ng kani-kanilang abilidad.

Pagkatapos pa lamang ng klase sa historia ay narito na ako upang mag-ensayo, ngunit malapit nang magdapit hapon ay wala pa rin akong napapala. I followed every step and instruction. What seems to be the problem? Could it be my posture?

I inhaled deeply and made another attempt. Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang ikonekta ang isip sa'king puso. Lumipas pa ang ilang minuto nang makaramdam ko nang pagpintig ng aking sintido at pagkahilo, mayroon ring malapot na likidong tumulo sa'king kamay. Umuulan ba?

I opened my eyes to see what was happening, only to be surprised by blood dripping from my nose. What in the world? Did I exert myself too much for such a simple task?

With a heavy sigh, I wiped the blood away using the hem of my white sleeve. Can I really do this? O mas mauuna pa akong matapos keysa sa gawaing ito?

"Mas lalo ka lamang matatagalang sa'yong asignatura, kung sasagarin mo ang 'yong katawan."

It was Morihime, naglalakad ito palapit sa'king pwesto habang tangan ang basket ng mga pagkain. Nakangiti itong umupo sa'king tabi.

"Alam ko ang 'yong pagkukulang kaya nahihirapan kang isagawa iyan." Panimula niya habang nakatanaw sa harapan.

Dahan dahan itong lumingon sa akin at itinuro ang parte kung nasaan ang aking puso. "Dahil puno ito nang hinanakit, panghihinayang at dalamhati."

Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa kanyang sinabi. Napayuko ako at mariing napapikit. She has a point. Simula pa lang noon ay hindi na naging panatag pa ang kalooban ko. Especially when abuelo passed away.

Maraming tanong na gumugulo sa'king isipan. Hindi ko magawang makausad dahil sa pagluluksa. Akala ko noon ay matatakasan ko na ang lungkot kung papasukin ko ang mundong pinagmulan ng aking mga ninuno, ngunit mas lalo palang hindi.

Hindi ko alam kung kanino ako magtitiwala o may kung dapat pa ba akong pagkatiwalaan. I tried to deny everything, lalo na ang tungkol sa soul-eating elixir. Pilit kong pinapaniwala ang aking sarili na misunderstanding lang lahat. That my abuela didn't tried to assassinate me.

Next is the occurrence involving the aeternum carcerem. It's undoubtedly my responsibility. Lalo na kung totoo ang sinabi ni Vatroslav na ako ang dahilan kung bakit ito nagkalamat. Ngunit iba ang sinasabi sa propesiya ayon kay Forth.

Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. This world is more complicated than I envisioned. I'm unsure of who my allies and enemies truly are. The apparent evil appears to be the goody, while the presumed deity seems to be the actual evil.

"I don't know what to do." Pag-amin ko sa kanya, feeling helpless.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito kaya't napaangat ang tingin ko sa kanya.

What is she laughing about? Does this situation look funny to her?

"Paumanhin, Labyrinth. Nakikita ko lamang ang sarili ko sa iyo, limang taon na ang nakalipas." My brows ceased to furrow.

Sheriagre La Vecchia: A Family's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon