Nine-tailed fox
—
KINAGABIHAN ay hindi ako makatulog dahil sa kaiisip sa mga nakita ko sa basement. Hindi ko rin nagawang pang tanungin si abuela, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin.
Imposibleng hindi n'ya alam ang tungkol sa bagay na yon, di'ba? Bahay nila ito.
Alas dose na ng hating gabi ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko, tulala sa medalyong pagmamay-ari ni abuelo.
I should've asked abuela about it earlier! E'di sana ay wala ng bumabagabag sa isip ko ngayon. Gising pa kaya s'ya?
Nang mapagpasyahan kong huwag nang ipagpabukas pa ang pagtatanong ay agad akong lumabas ng aking silid upang tunguhin ang kwarto ni abuela. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses sa kanyang pinto. Ilang segundo pa akong naghintay ngunit wala akong narinig na sagot. Siguro nga'y tulog na ito.
Upang makasiguro ay pinihit ko ang siradura ng pinto at maingat na pumasok sa kanyang kwarto. Hindi ganoong madilim dahil sa munting liwanag na nagmumula sa lampara.
"Abuela, gising pa po ba kayo?" Tawag ko ng pansin rito habang papalapit sa kanyang kama.
Ngunit napakunot lamang ang kilay ko nang makitang walang tao. Baka nasa baba pa s'ya, pero hating-gabi na ah?
Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang mapadpad ang tingin ko sa balkonahe. Lumapit ako doon upang tanawin ang bilog na buwan hanggang sa napansin ko ang kakaibang nilalang na malayang lumilipad sa himpapawid. Mistula itong usa ni Santa Claus kahit malayo pa ang pasko.
Pinaningkit ko pa ang aking mata upang mas makita itong maigi. Napatakip ako ng dalawang kamay sa aking bibig para pigilan ang pagtili dahil sa labis na gulat.
Is that a 9 tailed fox? Yung palaging ikinukwento ni abuelo sa'kin noong nabubuhay pa s'ya? They're fucking real!?
"No, no. I'm just hallucinating. Antok lang siguro ako. Kwentong barbero lang sila." Pangungumbinsi ko sa'king sarili habang umiiling. Pero ngayon pa ba ako hindi maniniwala pagkatapos ng lahat ng nakita ko sa crypt kanina?
Kinusot-kusot ko ang dalawa kong mata bago muling tingalain ang mga ulap.
But I'm not hallucinating. Totoo nga ito at kasalukuyang patungo sa bundok!
Dagli kong hinablot ang jacket at lumabas ng bahay mula sa balkonahe upang sundan ang soro. Naka nighties pa ako at walang saplot pang paa dahil sa pagmamadali.
Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataong ito para mas makita iyon nang malapitan. Sa dami ng nangyari ngayong araw ay sigurado akong hindi lang ako basta nabubuhay sa mundong aking kinasanayan.
Liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw habang tinatahak ko ang kagubatan. Maingat ang mga yabag ko habang sinusundan ng tingin ang soro. Nag-iingat na hindi ako mapansin, baka kasi bigla itong matakot at hindi na magpakita pa.
Hindi ko na mabilang kung ilang minuto ko itong sinusundan hanggang sa mapadpad kami sa talon, doon pa lamang bumaba mula sa alapaap ang soro. Nagliliwanag ang mga buntot nito, may kulay asul na mga mata at simbolo ng gasuklay na buwan sa noo.
I hid myself in a bush, carefully watching the nine-tailed fox. Mas lumiwanag ang kanyang mga buntot at buong katawan hanggang sa unti-unti itong naghugis tao. Wala akong pinalampas na detalye habang nagbabago ito ng wangis.
Sila ay tinatawag ring gumiho, huli jing at kitsuni. Madalas silang mag palit anyo bilang magandang dalaga.
Naalala ko ang kwento ng weirdong ale sa Quiapo. Yung matandang binilhan ko ng kwintas para kay abuelo. So all this time, she's been telling the truth?
BINABASA MO ANG
Sheriagre La Vecchia: A Family's Secret
FantasyLabyrinth Devereux Archanteau, a pampered girl from Manila, had always described her 20 years of existence as dull, despite having everything in life. After her beloved abuelo passed away, she was sent to live with her abuela in their provincial hom...