Chapter 16 - Eomma (Mother)

4 1 0
                                    

DAMIEN's POV

"I am Damien's Girlfriend and I don't like girls around him. Specifically,  A snake.."

Nagulat talaga ako sa sinabi niya alam ko namang may pagkatabil talaga ang dila niya pero hindi ko alam na kahit sa mga taong hindi niya kilala ay may masasabi siya at saka ang pinagtataka ko ay bakit kay Cloe siya nakatingin nang sabihin niya ang hindi niya pagkagusto na may babaeng nakapaligid sa akin at ang.. Snake.. Ahas ba ang sinabi niya?

Ah basta.

Did they know each other?

"Damien, Let's go."

Nataranta ako pero tumayo na rin ako.

Hindi na ako nakapag-paalam sa kanila at sumunod na ako kay Sophia.

Akala ko may sasabihin pa siya sa akin o ipagmamaneho ko siya pero sumakay ito sa sasakyan niya at saka pinaharurot ang kotse paalis.

"Sorry, Damien ah. Kung ako sa 'yo umuwi ka na kaysa guluhin ka pa nung mga babaeng iyon. Sundan ko na rin si Sophia."

"Wala iyon. Mabuti pa nga kung sundan mo na siya." Nginitian ko siya kahit gulong-gulo ako sa nangyayari.

Nilingon ko pa si Cloe at Rika sa loob. Pareho silang nakatingin sa akin.

Hindi kaya magkakilala talaga sila kaya ganoon ang reaksyon ni Sophia?

.

.

.

YOO RA/AMBER'S POV

"TALAGA? EH SIRAULO KA PALA EH." Naiinis kong sabi sa kaniya.

"What did you just said?"Kunot na kunot ang noo nito.

"Sana kasi sinabunutan mo na lang ang mga babaeng iyon."

What a small world. Akalain mo 'yun? Sa daming pwedeng makita nitong kaibigan ko sa daan eh iyong anak pa ng daddy niya sa ibang babae.

"Pero hindi pala siya maganda noh. Cloe.. Hindi bagay ang pangalan. Pero ang tanong.."

"What?"

"Kilala ka kaya niya? Alam kaya niya na 'yung Nanay niya ay kabit at siya 'yung naging bunga?"

Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakahiga sa kama.

"Parang wala kang pakialam." Sabi ko habang pinapanood ang pag hinga niya.

"Nae. (Yes) I don't care. Hindi ko naman siya kaano-ano."

"Eh bakit ka umalis do'n? Bakit sinabi mong boyfriend mo si Damien? Baka umasa o maniwala 'yung lalaki. Kawawa naman." Kunwaring sabi ko pero ang totoo ay kinikilig ako.

Ang galing niya rin eh akala mo totoong girlfriend siya. Paano kaya magselos ang isang Sophia?

"I just said that because I can't eat with those kind of girls. I hate their presence. I told them that I am Damien's Girlfriend just to make them mad. I like teasing people you know." And then she smirked.

This bitch..

"Sabagay. Mukhang nanalo ka naman sa round na 'to. Mga mukha silang nalugi. Hindi maipinta ang mukha." Tawa ko pa dahil naalala ko na naman ang nakasimangot na mukha nung Rika na 'yon habang si Cloe naman ay mukhang nabastusan sa inasal nitong kaibigan ko pero wala pa ring pakialam siyempre.

"What do you mean this round? I am making sure that there's no another round."

Napangiwi na lang ako.

Unexpected Love (On going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon