Halmeoniʼs POV (Sophiaʼs grandmother)
“Masyado ka atang napaaga, hijo.” Nakangiting salubong ko sa binata.
“Pasensiya na po. Hindi ko po kasing gustong magpahintay at hindi ko rin po kasi alam kung anong oras po kayo nag-aagahan.” May nahihiyang ngiti ito sa mga labi.
Guwapong bata. Matangkad, maputi ngunit hindi kasingputi ng may lahing koreano pero hindi rin naman siya moreno. Bagay sa kaniya. Medyo makapal din ang balahibo. Kitang kita rin ang kagandahan ng katawan niya.
“Kung ganoon, maupo ka muna. Hindi pa kasi gising ang apo ko.”
“Ganoon po ba siya kalasing?” Bahagya akong natawa sa tanong nito.
Gaya ng inaasahan ko hindi pa niya masyado kilala ang apo ko. Mukhang mahihirapan siyang makilala ito.
“Ano bang ininom niya kahapon at nakailang bote?"
“Hindi po ako pamilyar sa ininom niya pero soju po at nakatatlong bote po siya.”
Tumango ako. “Kung ganoon, hindi siya masyado nalasing. Sigurado akong naaalala niya lahat ng nangyari.” Kita ko ang pagkamangha sa mukha ng binata.
“Nga po pala. Pasensiya na po at hindi ako nakapagpakilala ng maayos sa inyo kagabi.. Ako po si Damien Salvarez. 21 years old po at nag-aaral po ako sa Byeol University. (Byeol-Star)
“Ako naman ang lola ni Sophia at YoHan. Mother side and pure korean pero mas magaling pang mag-tagalog kaysa sa apo ko." Biro ko na ikinatawa namin pareho.
Bahagya rin itong yumuko na sa tingin ko ay gusto niyang magpakita ng respeto. Inabot din nito ang kamay ko ay saka nagmano.
“Hindi ko po alam kung paano kayo babatiin.” Hindi ko na napigilan matawa ng malakas na sigurado akong narinig sa buong bahay.
Sasagot sana ako nang bigla na lang lumapit sa akin ang isang kasambahay.
Hindi ito mapakali. “Maʼam, sorry po.” Hinarap ko siya nang hindi maintindihan ang kaniyang tinutukoy.
“What are you saying? Hindi baʼt sabi kong gisingin mo ang apo ko?”
“Iyon na nga po. H-hindi ko po yata kayang gisingin ang apo niyo. Mas gugustuhin ko pong magpalit ng trabaho kaysa kumatok at pumasok sa kwarto niya.” Aniya habang nakatingin sa mga paa niya.
Napabuntong hininga na lang ako. “Tawagin mo si Rubylin.”
“Tinawag ko na po siya para siya na gumising sa alaga niya pero ang sabi niya ay may ginagawa pa siya.”
“Nasaan si Marhi? Tawagin mo.”Mabilis itong kumilos at tinawagang iba pang kasambahay.
“Maupo ka, hijo. Paumanhin sa nakita mo. Takot lang sila sa apo ko.”
“Halata po. Sa tingin ko ay mas takot pa po sila kay Sophia kaysa sa mawalan ng trabaho.” Nakangiti niyang sabi.
Hindi lang sa labi niya bakas ang saya pati na rin sa kaniyang mata. I wonder how he will win our grand daughterʼs heart but heʼs amazing.
“Can I get a favor from you?” Matamis akong nakangiti sa kaniya.
Walang pagdadalawang-isip siyang ngumiti sa akin.
“Kahit ano po.”
“Ikaw na ang gumising sa apo ko.” Sabi ko at tumayo na upang hindi siya maka-hindi.
DAMIENʼs POV
Ano raw? Ako ang gumising sa dragonang ‘yun? Kung iyong kasambahay nga nila hindi magising ang alaga nila, ako pa kaya?
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (On going)
Teen FictionIf a man cheats, will you give him a chance? They said if you love a person you are willing to give it all. Sacrifice, your self, love, trust, second chance.. And not just a second chance but an unlimited chance just to be with him forever. But...