Chapter 3

513 48 4
                                    

"mommy, kay na lola Imelda na po ba tayo pupunta?" Tanong ng anak ko saken

" Yes homey, are you excited to see lola imelda?"

"Opo mommy" sagot nya

"Laro tayo pag dating sa bahay ha" tugon ni Claire

Isang taon lang ang age gap ni Claire at ng anak ko...

"Josefa Alexandrine!" Malakas na tawag ni Matthew sa anak ko

"Kelangan isigaw ang buong pangalan?" Hampas ko sa braso ni Matt

"Papo!" Malakas na sigaw ni Sandrine

Si Matthew ang tumayong ama ni Alexandrine mula nung nag ka isip sya. Inisip nya na si Matthew ang tatay nya dahil lagi kaming mag kasama. Hindi naman nailang si Matthew at hindi naman nya ikinakahiya na nag karon sya ng ampon.

"By the way matt, congratulations teka parang hindi na bagay ang MATTHEW lang, parang kelangan tawagin na kitang CONGRESSMAN MATTHEW MANOTOC" pang aasar ko

"Is it okay to call you papo? Eh diba congwessman kana?" Tanong ni Sandrine habang buhat ni Matthew

"Oo naman, wala namang mag babago, ako pa din ang pinaka pogi mong Papo sa lahat" tugon ni Matt

"Oh andyan na pala kayo" Mama Imelda said

"Mama" sagot ko

"Lolaaaa namiss kitaaaa" sigaw ni Sandrine habang binababa ni Matthew. Agad naman syang tumakbo at niyakap ang lola meldy nya.

"Kulit" bulong ni Matthew

"Hayst pati yang kapatid mo ang kulit" tugon ko

"Bakit?" Tanong nya

Napailing na lang ako dahil ayoko nang mag kwento. Pumasok na kami sa loob at nabigla ako sa mga nakita ko.

"Sa-sandro?"

"Ali, its nice to see you again after 5years" tugon nya habang may buhat na batang babae

"Daddy can i play with them?" Tanong nung bata kay sandro

Binaba naman sya ni Sandro at hinayaang makipag laro sa mga anak namin ni Manang.

"Ahh by the way si Natasha Louise anak namin ni Tiffany" sambit ni Sandro

"Ka-kasama mo si Tiffany?" Tanong ko

"Oo nasa cr sya nag papalit ng diaper nung bunso namin" tugon nya

"Hon, hawakan mo muna si Fordi, ibabalik ko lang tong gamit sa kotse" sambit ni Tiffany sabay abot sa batang lalaki

"His name??"

"Ferdinand Nathaniel Marcos IV aka Fordi" tugon nya

"Ikaw may anak kana din diba? Bio~"

"Adopted, adopted hmmmm Josefa Alexandrine" mabilis na sagot ko

"Since we broke up?" Tanong nya

"May isang taon na tayong hiwalay nung inampon ko sya" tugon ko, kasabay ng mapait na ngiti na ipinakita ko sa kanya

"Let's eat na andito na ka~"

"Bonget!" Malakas na tawag ni Manang ng makita nya si Manong Bonget

Miss na miss nila ang isat isa, halos limang taon din ang lumipas bago sila nag kita.

Pinili nilang lumayo dahil nahihiya sila sa mga nang yare.  Si simon lang ang naiwan dito sa Pilipinas. Si Vinny naman eh hindi ko na alam ang nang yare mula nung nag Morocco kami.

Hindi na nag tagal ang kwentuhan at kumain na din kami. Napag desisyunan ko na dito na lang muna kami matutulog ni Sandrine.

Pag katapos naming kumain eh nilinisan ko na si Sandrine at pinapasok sa kwarto ni Claire. Mas prefer nilang dalaw na mag katabi matulog, minsan lang din naman sila mag kita.

Lumabas naman ako sa may garden habang nag iisip isip eh biglang umupo si Manang sa tabi ko.

"Nabigla ka sa pag dating ni sandro?" Tanong ni manang

"Sinabi ko na naman sa sarili ko manang na dapat kahit anong oras handa ako, kasi sya talaga yung pamilya nyo at anytime babalik sya" tugon ko

"Pano kung si Irene yung bumalik?"

"Tatanungin kita ha, gusto ko honest ka.... May nararamdaman ka pa sa ading ko?" Tanong nya

Hindi ko maiwasan ang hindi maiyak sa tanong ni manang.

"Inakala ko noong wala na akong nararamdaman, kaya pinili kong hindi sya hanapin at habulin"

"Ngayon ko masasabing hindi ko kayang mag mahal ng iba kung hindi si Irene, pero manang iniisip ko nga pano kung bumalik sya at makita nya si Sandrine"

"Pano kung mamis interpret nya ako, pano kung hindi nya na ako matanggaptugon ko kay manang habang pinipigilan ko amg luha ko

"Ali, halos mahigit sampung taon na kayong hiwalay, sa ngayon she's 41 at ikaw 33 kana, hindi ko naman sinasabing wag kanang umasa pero, pano kung may iba na sya" tanong ni manang na agad nakapag patulo ng luha ko

"Manang, kagaya ng buwan, i will admire her from a far, i will never fall inlove again unless its Irene"

"Alam mo manang kung gaano ako katagal nag tiis, kung gaano katagal ko syang iniwasan, mali ako sa puntong pinaniwala ko ang sarili kong hindi ko na sya mahal"

"Nung panahong kami ni Sandro, may mga gabi at araw na hinahanap ko ang yakap nya, nung panahong buntis ako sa anak namin ni Sandro, naging clingy at needy ako sa kanya, hindi dahil sa nag lilihi ako, dahil mahal ko sya"

"Nung panahong naging sila ni Loren, kinadurog ko yun, pero pinili kong maging masaya para sa kanya, kasi yun yung ginawa nya nung panahong kami ni Sandro, pinilit nyang maging maligaya sa alam nyang ikasasakit nya"

ACCEPTANCE IIIWhere stories live. Discover now