ALISSANDRA
Mag iisang linggo na mula nung nalaman ko yung Kay Irene. Pinipilit ko namang maniwala pero mataas lang talaga ang trust issues ko.
Malapit na Ang birthday ni Mama Meldy kaya naman nag peprepare na kami.
"Ano Ali? Mag bobook pa ba tayo ng hotel or gusto mo sa bahay na lang?" Tanong ni Manang
"This is just a simple celebration so much better kung sa bahay na lang" tugon ko
"May mga live performances na prinepare si Irene, teka nasan yon?" Tanong ni Manong Bonget
"Busy kay Alexandra eh" tugon ni Manang
"Ali okay ka lang ba?" Tanong ni Ate Liza
"Yes po, may iniisip lang" tugon ko
Nag usap at nag plano na kami pag katapos non ay umalis na sila. Naiwan si Manang at nag usap kami.
"Problema?" Tanong ni Manang
"Nasabi naman siguro ni Irene na nag kwento na sya saken diba?" Tanong ko
"Oo, pinakinggan mo naman daw, pero hinihingian mo sya ng sapat na dahilan? Bakit?" Tanong ni Manang
"Hindi ko din alam"
"Basta ang alam ko, nung panahong kailangan ko sya wala sya, nung umalis at naging sila ni Loren nasaktan ako" tugon ko
"Mag kikita at mag kikita kayo ni Irene sa birthday ni Mama sa Linggo, pag usapan nyo na yan" sambit ni Manang
"Mali bang ibigan ko sya ulit?" Tanong ko
"Tanungin mo ang sarili mo, kung handa kana bang umibig muli" tugon ni manang bago nag lakad papunta sa pinto
"Kilala kita Alissandra" sambit nya bago lumabas ng pinto ng opisina ko
Tumingin ako sa digital clock at malapit na pala mag 12:30. Nag mamadali na ako dahil lalabas na si Sandrine. Dederetso din kami sa pinag pagawaan namin ng damit para sa Sunday.
"Maam nag mamadali po ba tayo?" Tanong ni kuya toto
"Oo manong, mainipin si Sandrine baka kung anong gawin nung batang yon" tugon ko
Nag short cut na lang kami at saktong 12:35 eh nandon na kami sa school. Hindi na ako bumaba at pinapunta ko na lang si Kuya Toto para tawagin si Sandrine.
Pag kapasok nya ng sasakyan eh dumikit sya saken dahilan para iangat ko ang braso ko ipulupot sa kanya. Bigla syang yumakap at sumiksik sa kilikili ko na parang batang nahihiya.
"What is it baby?" Tanong ko
"Foundation daw po namin next week mommy, probably sa friday po family day, pano po ako?" Tanong ni Sandrine
"Andito naman ako ah, si Papo, let's ask papo Matt later si papa Tommy let's asked him also" tugon ko
"Mommy nasan po ba yung totoo kong daddy at Mommy" nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Sandrine, hindi naman nya maiintindihan kung sasabihin kong rape victim ako at wala syang ama
"Anak, hindi mo pa po maiintindihan sa ngayon eh kasi bata ka pa, ang mahalaga kasama mo ko at mahal kita okay?" Tanong ko habang nakayakap sya saaken
Hindi na sya sumagot. Dumeretso na kami sa pinag pagawaan namin ng damit. Sinukat at nag bayad na din kami.
Pag dating ko sa bahay eh andon si Manang.
"Tagal nyo ha" sambit ni Manang
"Kinuha pa namin yung dress namin ni Sandrine eh" tugon ko
"Eto na pala si Yaya Sheryl, eto yung resume, sa bahay pinadala ng Agency" sambit ni Manang
"Hi po maam, ako po si Sheryl Mendoza" sambit ni Sheryl
"Hi i am Alissandra and this is my daughter sya yung aalagaan mo, she's Josefa Alexandrine, call her Sandrine na lang" sambit ko
"Hello baby" tugon ni Sheryl habang si Sandrine naman eh nakayakap at nakatago sa likod ko
"Pasensya kana ha, mahiyain at may trust issues lang tong batang to pero mabait to di naman sya mahirap alagaan" sambit ko
"Natanong kanina ni Sheryl every anong araw ang day off nya?" Tanong ni Manang
"Probably, every Sunday and hindi naman mababago yun pero once na wala akong trabaho or meeting your free" sambit ko
"Stay in naman sya diba?" Tanong ni Manang
"Okay lang kung hindi ang kelangan ko lang naman is yung mag babantay kay Sandrine after class, para hindi ko na sya bitbit sa office" sambit ko
"Pero much better kung mag stay in ka para if incase may mga emergency meetings ako eh may kasama si Sandrine dito sa bahay, you can go home naman every Saturday if gusto mong umuwe sainyo taga saan ka ba?" Tanong ko
"Taga Novaliches po" tugon ni Sheryl
"If gusto mo naman you can go home ng mga Saturday morning or friday ng hapon, normally si Sandrine hinihiram sya ng papo nya at nina manang every Saturday" sambit ko
Hindi ko alam kung pano ko tuturuan si Sandrine na mag tiwala sa bago nyang yaya...
Tinuro ko na yung magiging kwarto ni Sheryl at pinaakyat ko na si Sandrine sa kwarto. Kami naman ni Manang eh tumambay sa may Veranda habang umiinom ng wine.
"Hindi na din maiwasan ni sandrine ang magtanong tungkol sa tatay nya, lalo na next week family day, free ba si Matther sa friday?" Tanong ko
"Hindi ko sure, ang daming activities sa san juan eh"
"Pero si Tommy free sya" tugon ni Manang
"Free nga si Kuya Tommy pano si Claire?" Tanong ko
"Pano si Irene?" Tanong ni manang
Bigla akong natigilan sa tinanong ni Manang. Pano nga si Irene? Pano si Alexandra sinong ama ang ihaharap nila.
YOU ARE READING
ACCEPTANCE III
FanfictionThe Final Book of AliRene "Are you willing to accept me for who i am? Again?" -Irene Celestina Story of being accepted by the people we loved. Treating fairly by other person. "Handa akong ipaglaban ka sa kahit anong bagay"