ALISSANDRA
"
Mommy mag preschool na po ba ako?" Tanong ni Sandrine habang nakaupo sa kama
"Opo anak, ieenroll po kita tapos pupunta ulit tayo kay Lola Meldy kasi nag aya po sya ng dinner" tugon ko
"Mommy?" Tawag ni Sandrine
"Yes anak?" Tanong ko habang nag hahanap ng damit na isusuot ni Sandrine
"Mahal mo po ba ako?" Tanong nya kaya natigil ako sa ginagawa ko
"Anong klaseng tanong po yan anak ko?"
"Syempre naman mahal na mahal ka ng mommy, aampunin po ba kita kung hindi kita mahal?" Tanong ko
"Busy ka po kasi lagi, parang wala ka nang time saken, lagi na lang si Papo at si Tita Jaime yung kasama ko" tugon ni Sandrine
"Anak? Babawi na lang ako ha, gusto ko munang tapusin lahat ng paperworks ko para pag umuwe tayo ng Quezon nasayo ang attention ni Mommy" tugon ko
Hindi ko alam kung anong mga pinag sasagot ko kay Sandrine. Hindi ko alam kung tama bang sinagot ko oa ang mga tanong nya. Oo at hindi lang naman ang dapat na sagot pinahaba ko pa.
Pinaliguan ko na si Sandrine at binihisan pinag ipad ko na lang sya at saka ako naligo.
"Let's go na anak" sambit koNag suot na lang ako ng oversized shirt at ng jogging pants. Parang kapatid lang ako ni Sandrine sa suot ko.
Sinuotan ko sya ng dress para formal sya mamaya sa dinner namin. May extra naman syang damit dahil alam kong mag lalaro sila ng ate claire niya.
"Kuya toto intayin mo na lang kami ipapalista ko lang naman si Sandrine eh" sambit ko
"Sige po maam" tugon ni kuya toto
Hindi na sana ako ang mag papaenroll kay Sandrine, nag day off lang yung asawa ni kuya toto na si Merly sya kasi ang yaya ni Sandrine.
Pag katapos naming mag pa enroll ay dumaan lang kami sa mall para bumili ng ilang essentials na kelangan ni Sandrine sa bahay.
"Anak hygiene na lang muna bukas na lang tayo mag grocery" sambit ko
"Toothpaste po mommy wala na ako" tugon nya
"Kinakain mo yung toothpaste eh kaya mabilis maubos" sambit ko
"Mommy? Can you please carry me po? Ang sakit na sa paa nung shoes ko" tugon ni Sandrine
Agad ko naman syang binuhat dahil di naman sya gaanong mabigat.
"After dito, daan tayo department store bili kana lang ng bagong shoes ha, baka di ka makalaro mamaya kay ate claire" i said
"Yes po mommy hmmm" pag tango at pag halik nya sa labi ko
Dumeretso na kami sa cashier at nag bayad pag katapos non ay pumunta na kami sa department store at bumili ng sapatos. Pinili nya yung same nung suot ko para twinning daw kami.
Binilhan ko din sya ng damit na babagay sa sapatos nya at binihisan ko sya sa kotse bago kami dumeretso kay na Mama meldy.
"Ayan po mommy, halata na po na mommy kita" ngiti ni Sandrine
Kinurot at hinalikan ko na lang sya sa pisnge. Agad naman syang kumandong saken at hinalikan ako sa labi.
Niyakap nya ako at dumapa sa dibdib ko kagaya nung ginagawa ko nung bata pa sya. Buong byahe syang nakaganon and almost 30minutes din yung byahe mula pasay hanggang San Juan.
Nakarating na kami sa bahay ni Mama Meldy at hindi ko namalayan na nakatulog na pala si Sandrine sa dibdib ko.
Lampas 5pm na ng makarating kami sa bahay ni Mama Meldy. Hindi naman traffic pero nag tagal kami sa mall sa pagpili ng damit ni Sandrine.
"Patulong naman nakatulog na eh" sambit ko ng buksan ni Matthew ang pinto
Dahandahan nyang binuhat si Sandrine. Bumaba na din naman ako at dinala ni Matthew si Sandrine sa kwarto ko.
"Oh ali andyan kana pala" sambit ni Manang
"Hi manang" i said
"Nasan si Alexandrine?" Tanong nya
"Nakatulog, pinabuhat ko muna kay matt paakyat sa kwarto" tugon ko
"Hi tita Ali" bati ni Natasha saaken
"Hi ashang" bati ko
Nag kwentuhan lang kami ng ilang saglit pa ay narinig kong sumigaw si Sandrine. Agad akong tumakbo paakyat at pag dating ko eh umiiyak sya.
"Mommmy" iyak nya
"Mommy's here na baby, what happen anak ko?" Tanong ko
"Momny, there's a bad guy tapos kinuha ka nya from me" iyak ni Sandrine
"What happen? Nasa labas kami biglang may umiyak akala ko si Claire" tanong ni Manang
"Halika anak labas muna tayo" sambit ni Matthew at binuhat si Sandrine
"Napanaginipan nanaman nya yung nang yare last year, hindi ko magawang alisin sa kanya yung takot" tugon ko kay manang
"Ali kahit naman ikaw natatakot pa din eh pero pinipili mong maging matapang, hayaan mo magiging okay din si Sandrine ha" yakap ni manang saaken
Hindi ko maalis sa anak ko ang trauma nya sa mga lalake. Ganon din naman ako, hindi ko din maalis ang takot sa sarili ko.
Ano ba kasing ginawa ko para maranasan ko lahat ng to. Una 5years ago sa Cebu, tapos last year nung pinasok kami ng mga lalake sa bahay namin sa pampanga. Hinila nila ako non palayo kay Sandrine. Muntik akong marape buti na lang dumating si Matthew.
Tulala lang si Sandrine at hindi makakain. Umiiyak sya sa tuwing hindi nya ako nakikita. Mabuti na lang kahit papano napapayag ko syang pumasok sa daycare, para na din makapag trabaho ako ng maayos.
YOU ARE READING
ACCEPTANCE III
FanfictionThe Final Book of AliRene "Are you willing to accept me for who i am? Again?" -Irene Celestina Story of being accepted by the people we loved. Treating fairly by other person. "Handa akong ipaglaban ka sa kahit anong bagay"