Chapter 39

172 2 2
                                    

Chapter 39

Gold's POV:

Habang himas-himas ang tiyan at ang mga mata'y nilibot ang bawat sulok sa aking silid. Hanggang sa diritso ang tingin nito sa aking maleta.

Kapagkuwan ay napabuntong hinga ako nang muling pumasok sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Daddy.

Nakapagdesisyon na ako. Buo na ito!

"Para sayo 'to anak! At para rin sa Ama mo, sa lalakeng mahal ko. " giit ng aking isip saka ay napangiti.

Tumayo ako saka lumapit sa salamin.

Pinagtitigan ko ng aking mukha at katawan ng maigi. Saka ay bahagyan akong lumapit habang hinihimas ang aking pisngi.

'Ano kayang hitsura ni Kathryn? Maganda kaya siya? Mas maganda kaya siya kaya't di siya magawang kalimutan ni Neon, haha oo nga pala Daniel pala.'

Kung sa bagay paano nga naman natin magawang kalimutan ang taong minahal natin ng lubusan. Kasama nating mangarap para buuin yung future natin na kasama sila . 'Yung taong naging kasiyahan natin, tapos sa isang iglap. Wala! Iniwan lang tayo.

Kasabay ng kanilang paglisan ay katanungang "hindi ba tayo sapat?" "May mali ba sa 'tin" o "sadyang hindi lang nila talaga tayo mahal kapara ng pagmamahal natin sa kanila ng lubusan"?

Bagaman nangungulila sa kanyang presensya ay pinili kong magpakatatag at maging malakas.

Napapikit ako at muling hinimas ang aking tiyan, pinapakarimdaman ang munting anghel sa loob nito.

"Pasensya ka na baby huh? Promise, last na to! Di na iisipin ni mommy si daddy. Di na ako magpapakastress pa. "

Bumuntong-hinga ako saka naglakad patungo sa pintuan ng aking silid para lumabas. Nang makasuyo na rin kay manang na asikasuhin ang aking gamit.

Pinihit ko ang pinto hanggang sa naramdaman kong wala akong bitbit na phone.

Kung kaya't naglakad ako muli patungo sa aking kama kung saan ko nilapag ang aking cellphone.

Eksaktong paglapit ko ay bigla itong nagring na siya namang sinagot ko agad.

"Hello? Sino 'to", direkta kong tanong habang naglalakad papuntang pintuan.

"Ang sakit mo naman Element kong friend!", maktol ng nasa kabilang linya na nabosesan ko naman.

"Uii buhay ka pa pala Diego? Hahah", biro ko sa kanya, ilang buwan na rin kasi siyang di nagpakiramdam. Namiss ko tuloy asarin.

"Grabeh ka naman! Pangalawa na to huh!" ,parang batang reklamo ulit niya.
"Ulol! Hahaha anong pangalawa ka jan! May utang ba ko sayo huh! Ngayon pa nga lang kita uli na asar eh! Parang tanga 'to pineperahan ako!", gilalas ko sa kanya't di mapigilan ang sariling mapatawa.

"Hoy elemento! Baka nakakalimutan mo huh! Hello? Sino 'to" panggagaya niya sa boses ko kanina, napailing na lamang din ako habang kinakamot ang aking noo.

"Ang sakit mo! Kaibigan mo ko! Tapos di mo man lang phinonbook ang number ko! Nagtatampo na 'ko sayo! ", maktol na naman niya, natatawa na lamang ako sa isiping siguroy nagmumukhang bata na naman siya ngayon.

"Hahaha okay sorry! Sinagot ko na kasi agad, I haven't checked it na. ", I explained..

"Anong sorry? Anong sorry huh?", parang batang giit niya.
"Parang....", dagdag niyang nagsusumamo ang boses.

Seducing The Professor Season TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon