Chapter 17

1K 21 19
                                    

Chapter Seventeen

Di makapaniwala si Neon sa kanyang nadatnan at narinig mula Kay Gold. Habang si Sue naman ay puno ng pagtataka ang kanyang mukha kung bakit nandito ang presensya ng kanyang ex at ni Gold.

Di pa rin makapaniwala si Gold na kanina pa pala nakarating si Neon kasama si Sue. So ibig sabihin narinig nila ang mga sinabi niya. Pero ano naman sa ngayon kung narinig nga ni Neon iyon. Totoo naman talagang mahal niya ito.

Pareho silang apat na nagpapalitan ng mga tingin. Hanggang sa nabasag na lang iyon nang biglang isinara ni Neon ang pinto.

Humakbang si Gold papalapit sa pinto kung saan naroon si Neon. Nang sa ganun kung tatakas na silang dalawa magiging madali lang para sa kanila.

"What the meaning of this, Neon?", giit ni Sue at ramdam sa tono ng pananalita nito ang iritasyon.

"Sorry Sue, but we planned all this.", nakangising sabi ni Neon saka ibinaling ang paningin kay Gold.
Bigla pang nagulat si Gold nang hinapit ni Neon ang kayang bewang. Nang nilingon niya ito ay kinindatan lamang siya.

"What the heck Neon! Akala ko ikaw ang makakasama ko?", iritableng ani Sue at pinagkrus pa ang braso nito. Saka inirapan si Gold.

" Sorry Sue, Pero si Ronnie ang makakasama mo.", pigil-tawang sagot ni Daniel.

"What !?", di makapaniwalang giit ni Sue.
"Then if I'll be with him, I better leave now."galit na dagdag pa ni Sue at saka matalim ang tingin na bumaling kay Ronnie.

"You think you can leave , Sue?", nang-aasar na tugon ni Neon.

" Remember, you have no money and you're in Batanggas right now. Kaya paano ka naman makakauwi? ",dagdag pa ni Neon at sapo pa rin niya ang bewang ni Gold.

"Because you lied to me! Sabi mo ay libre mo kaya di ko na kailangang magdala ng pera.", galit na sagot ni Sue.

"Oopsss! I haven't lied to you. Sinabi ko ngang libre ko, kaya ka nga nandito diba nang walang nilalabas na pera. Sorry Sue, Pero wala naman akong sinabi sayo na ako ang makakasama mo sa iisang kuwarto." Umiiling-iling na sabi pa ni Daniel.

"And I pay the staff here not to let you leave .",sambat pa ni Gold kaya lumingon sa kanya si Sue.

"Ahh...yes you can! Why not!" " You're an Yfranco! Lahat kaya mong gawin dahil sa pera mo."may sarkasmo sa tono ng pananalita ni Sue."You can even hire people to kill us. Just like what your pa-

"Shut up Sue!" pagpuputol ni Neon sa idadagdag pa sana ni Sue.

"What?", inosenteng tugon pa ni Sue. "Ahhh....so kinakampihan mo na siya ngayon?", dagdag na tanong pa niya.

"Aghhhhhhhhhhh" sigaw ni Sue dahil sa iritasyon nang hindi ito sumagot. Saka masamang nakatingin Kay Ronnie.

"You really hate to be with me, huh?"
Lahat sila'y nabaling ang atensyon kay Ronnie nang magsalita ito at malungkot pa ang tono ng boses nito.

"Whatever!", mataray na sagot ni Sue at inirapan pa niya si Ronnie.

"Okay.. I guess the flame's blazing , we better go now.", sambat ni Neon at kasabay na hinatak si Gold palabas.

Wala pang ilang segundo ay muli niyang binuksan ang pinto. Nadatnan niyang nag-aapoy ang pagitan ni Ronnie at Sue dahil sa init ng kanilang pagtitigan. Hanggang sa pareho na itong lumingon sa gawi niya. Lokong nginitian niya ang mga ito saka nagsalita. " Enjoy sleeping together" pagkatapos ay isinara na niya ang pinto.

Seducing The Professor Season TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon