Chapter 35

127 3 4
                                    

Chapter 35

Gold's POV:

Mugtong-mugto ang dalawa kong mga mata na kasulukuyan kong tinititigan sa harap ng salamin. Saka ay ibinaba ko ang aking paningin sa aking tiyan.
Hinihimas ko ito ng marahan sabay ngiti sa katotohanang nabuo ang bata sa aking sinapupunan sa sobrang pagmamahal ko kay Neon.
kay Daniel...

Kapagkuwan ay nawala ang mga ngiti ko sa labi nang mapagtantong hindi pa pala alam ng parents ko na buntis ako. Inilihim namin ni Steven ang pagbubuntis ko at nakiusap na laman din ako sa Doctor nun na ako na ang magsasabi sa parents ko.

Bakit ganito? Deserve ko ba talagang maranasan ang mga ito? Nagmahal lang naman ako. Bakit kailangan kong maghirap ng ganito?

Nang pumasok sa buhay ko si Proffesor Neon, sa kanya na halos umikot ang mundo ko. Maraming nagbago, pati na ang samahan namin ng bestfriend ko.

I gently close my eyes and trying to feel what I'm feeling inside. I'm calming myself for me to feel better , kahit sa mga ganitong oras man lang.

Naimulat ko na lang nang wala sa oras ang aking mga mata nang marinig ang pagbukas ng pinto sa aking kwarto.
Nilingon ko ito , at ang malungkot na mukha ni Leigh ang nakita ko.

Naiiyak siyang tumitig sa akin , saka tumakbo palapit , pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit.

Humagulhol siya ng humagulhol dahilan para tuluyan na ring tumulo ang mga luha sa aking mga mata na pinipigilan kong kumawala kanina.

"Unni, it's not true, right? ", umiiyak niyang tanong sa akin.
"Kuya Hubby is innocent.", dagdag niya pa.

"Hindi ka rin naman naniniwala diba na siya ang may pakana ng panggagahasa sayo?", tanong niya pa.

Kumalas ako sa yakap niya at lumuhod para makasingtangkad ko siya. Inayos ko ang ilang hibla ng kanyang buhok at pinilit ang sarili na ngumiti sa kanya.

"Of course not.", pagpapagaan ko sa loob niya.
I hope so..

Suminghot siya saka muli akong nagsalita.

"I know him, he's innocent.", dagdag ko pa.
Ewan ko Leigh, kilala ko ba talaga siya?

"Naniniwala akong hindi niya magagawa sa akin iyon.", pilit kong saysay.
Sana totoo ang paniniwala ko. Kasi mahal na mahal ko siya! Hindi ko matatanggap eh! Hindi.

"Unni, Thankyou for trusting kuya Hubby. I don't want him to suffer in jail. He doesn't deserve all the pain he's been enduring now. I want him to be happy. I want him to get the justice he deserved.", Saad ni Leigh na siyang nagpataka sa akin ng husto.
May alam siya?

"Justice?",I asked, yumango naman siya bilang tugon.

"Hindi po kasi natuloy ang kasal nila ni ate Kathryn dahil sa mga evil monsters. Pinatay po kasi si ate Kathryn. And you know what ate? Pati rin po raw ang kaisa-isang anak nila ay pinatay. They even attempted to murder Kuya hubby, but super salamat kasi they failed.", pagkukuwento niya , kaya sa muling pagkakataon ay isang butil ng luha ang tumakas mula sa aking mga mata na agad ko rin namang pinahiran.

"Leigh..", tawag ko sa ngalan niya nang maharan.

"Hmmm?", parang boss niya pang tugon. Gustuhin ko mang mapatawa pero di kaya ng katawan ko sa sobrang lugmok ko sa sakit.

"He wanted to sleep na.", Sabi ko sabay himas sa aking tiyan.

"What?", she was surprised.
"Unni, really? Totoo?", paninigurado niya pa. Yumango na lamang ako bilang tugon.

Seducing The Professor Season TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon