Chapter 27Continuation to Gold's POV
Nakacheck-in na kami ngayon sa pribadong kwarto kung saan din nakacheck-in sina Sue at Ronnie. Nakakapanghinayang lang dahil pati rito ay di pa rin niya ko pinapansin. Daig pa niyang isang babae na dinatnan. Paiba-iba ang mood. Kung hindi ko nga lang talaga siya mahal ay tiyak naubos na ang pasensya ko sa kanya.
"Magbibihis lang ako", paalam ko sa kanya pero nanatili pa rin siyang nakaupo sa kama habang nakayuko at di man lang ako kinibo. Kaya nagdesisyon na lang din akong dumiritso sa walk in closet.
Buti na nga lang ay nakahanda na lahat ang mga gamit rito. Iba talaga pag ikaw ang may ari ng resort, kasi inaasikaso ka talaga ng todo. Pati damit panlalaki ay nakahanda na rin.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na 'ko agad. Isang white crop top at white high waist short ang suot ko. Tapos pinaresan ko pa iyon ng white cardigan.
Pero mukhang anino lang yata ako at di pa rin talaga niya pinapansin.
Umupo na ako sa harap ng salamin at nagsimulang nilagyan ng simpleng make up ang mukha.
Habang nilalagyan ko ng liptint ang labi ko ay panay din ang sulyap ko sa kanya. Nakikita ko kasi ang repleksyon niya sa salamin. Ang guwapo niya talaga kahit kailan. Iniisip ko pa na ang dating inakit ko noon, boyfriend ko na ngayon. Ang swerte ko! Para akong nanalo sa luto na walang perang tinaya. Well, karisma at kagandahan ko lang naman kasi ang ipinuhunan ko."Hindi ka pa ba magbibihis? May mga damit dun na kasya sayo.", di ko tuloy napigilan Ang bibig ko at nakapagtanong sa kanya.
But as usual, deadma na naman siya! Di talaga ako sinagot. Okay pagbigyan, baka wala lang talaga sa mood.Medyo inayos -ayos ko na lang din ang alon-alon kung buhok. Pero nang di masatisfy ay nauwi rin sa pagponytail ang buhok ko.
"Sino ba talaga siya?"
Nilingon si Neon sa salamin nang bigla siyang nagsalita. Nakatingin siya sa akin ngayon kaya pareho kaming nakatitig sa isat-isa sa salamin. Nakatiim ang bagang niya, kaya di ko maintindihan kung sino ang tinutukoy niyang "Siya" at bakit ganun na lamang ang inis na nakikita ko sa mga mata niya.
"Ex mo ba siya?", dagdag pang tanong niya na di ko makuha-kuha kaya di ko rin masagot ang tanong niya.
"Ha? Sinong siya?", takang tanong ko kasi di ko naman talaga alam ang tinutukoy niya.
"Si Tyson", may diin at gigil ang pagkakabanggit niya sa pangalan ni Tyson. But what's with Tyson again? Hindi pa ba siya nakaget-over ? O di kaya nagseselos talaga siya. Well, if that so. Ang cute naman niyang magselos. Parang gusto ko yatang makita siyang ganyan palagi sa akin.
"I'm asking you, Gold! Narinig mo lang pangalan niya natulala ka na!", giit niya pa.
So nagseselos nga siya. Goshhh!! Mukhang malulunod yata ako nito sa pagmamahal.
"No.. he's not my ex. NBSB kaya ako, but not until I'd met you.", sagot ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit bigla na naman siyang ngumiti na nakatitig sa akin. Ang bilis mawala ng galit niya ha? Para talaga siyang babae, paiba-iba ang mood. Habang tumatagal ay mas nakikilala ko pa siya, dahilan para mahalin ko pa siya ng sobra.Humakbang siya papalapit sa akin. Kaya tumayo na lamang din ako para harapin at salubungin siya.
Sapo na niya ang bewang ko at pinagdikit pa niya ang mga ilong namin. Sinamantala ko na rin ang pagkakataon. I enclosed my arm to his batok." So you mean to say, ever since you met me, you see me as your boyfriend?", nakangiting tanong niya habang nanatili pa rin kami sa ganoong posisyon. Nakangiting yumango na lamang din ako para tumugon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Seducing The Professor Season Two
RomanceWhen you're still in love with him despite of what you'd discover.