Chapter 24
Tulala pa rin si Gold at hinahayaan na lamang ang mga luha niya sa pamamalisbis. Tuwing naalala niya ang pagbababoy sa kanya ng hayop na iyon ay hinihiling niya na sana pinatay na lamang siya. Dahil wala na naman ding saysay ang buhay niya kung hindi na siya tatanggapin ngayon ni Neon.
"Gold, anak...huwag kang mag-alala pinaiimbistigahan na ng Daddy mo ang nangyare sayo.",sabi ng mommy niya habang hinihimas ang kanyang palad.
Habang si Leigh naman ay nasa tabi pa rin niya, yinayakap siya. Katulad niya ay umiiyak din si Leigh."We should be thankful Unni that my kuya hubby's there, he saves you.", sumisinghot na sabat ni Leigh, na siyang ikinataka niya. Sinong kuya hubby ba ang tinutukoy ng kapatid niya. Kung sino man iyon ay ikinalumo niya, dahil di nga dumating ang taong hinihintay niya para iligtas siya. Pero kahit papaano ay nagpapasalamat siya sa tinutukoy ni Leigh na kuya hubby. Siguro nagkataon na nandoon siya sa resort.
"Sinong kuya hubby Leigh? I want to thank him.", tanong niya sa kapatid habang pinupunasan ang basang pisngi dahil sa luha.
"Actually po, ayaw kong banggitin siya sayo kasi pinagdadamot ko siya sayo, unni. Guwapo po kasi siya baka agawin mo sa akin.", ngumungusong ani ni Leigh , dahilan para kahit papaano ay maaliw siya.
"Siya po 'yung binabalikan ko sa orphanage, sa Asociacion De Damas De Filipinas. Si kuya hubby po, his name is Daniel John Ford Padilla.", anang kapatid niya.
So ang tinutukoy na kuya hubby ng kapatid niya ay si Daniel na gustong ipakilala sa kanya ni Sister Ethel. Small World! Mas lalo tuloy niyang gustong makilala ang Daniel John Ford Padilla na 'yan.But wait .. weird! Daniel? Same pa talaga ang name dun sa napanaginipan ko. Ang worst na nga ng nangyare sa akin, ang worst pa ng napanaginipan ko.
"Anak, Leigh..iyan ba kamo ang pangalan ng lalakeng iyon?",biglang tanong ng mommy niya na halatang gulat na gulat ang tono ng boses. At ikinataka niya kung bakit biglang naging ganoon ang reaksyon ng ina niya.
"Opo mommy, why you look shock? Is there anything wrong about him, mommy?",biglang usisa ni Leigh na siyang ikinailing-iling niya. She wouldn't hesitate kung sa kanya nagmana si Leigh.
"Ahhh....no, nothing. Ahmmm... Leigh, take your Unni a good care ha? I have something to talk with your Daddy.",anang mommy nila, ngunit di mawala ang tingin ni Gold sa mommy niya. She feel something weird.
"Don't worry mommy, I'll always take care of my Unni, even if you won't ask me to do it.",nakangiting sagot ni Leigh sa ina at mas lalong hinigpitan pa ang pagyakap sa kanya.
Sinundan na lamang niya ng tingin ang kanyang ina habang palabas ng kuwarto niya. Nagtataka pa rin siya sa inakto nito kanina. Kapagkuwan ay nabaling ang atensyon niya sa kanyang kapatid na naglalambing sa kanya.
"Unni, I'm so thankful that your awake now. Since Kuya Hubby brought you here in the hospital, hindi ka pa rin gumigising for 6 days.", Saad ng kapatid niyang si Leigh na siyang ikinagulat niya ng husto.I'd been sleeping here for 6 days? Goshhh...So our plan for Ronnie and Sue was ruined. But for that 6 days, Does Neon knew my condition? Does he visited me?
"Ahmmm Leigh...",kuha niya sa atensyon ni Leigh . Kumalas naman si Leigh sa yakap at hinarap siya.
"Neh? Unni?", malambing na tanong ni Leigh sa kanya.
"May bumisita ba sa akin dito habang tulog ako?", agad na tanong niya Kay Leigh.
"Yeah Unni, he visits you..", Sagot ni Leigh na siyang ikinagalak niya ng husto.
BINABASA MO ANG
Seducing The Professor Season Two
RomanceWhen you're still in love with him despite of what you'd discover.