Chapter 33
Neon's POV:
Kung bakit kasi sa pagmamadali ko ay naiwan ko pa ang susi ng aking motor. Pinagsisihan ko tuloy na bumalik pa ako sa opisina ni Sister Ethel . Hindi ko talaga inasahan na magkikita kami ni Gold. At mas lalong hindi ko inasahan na malalaman niyang ako si Daniel Padilla.
Nasa plano ko naman talaga na malaman niya ang katauhan ko. Kaso masyado pang maaga para malaman niya iyon. Kung sa bagay mas maigi na iyon nang sa ganun ay siya na mismo ang umiwas sa akin.
Mangiyak-ngiyak ang mga mata ko habang nakatanaw sa litrato ni Kathryn na nasa tabi ng puntod.
Pinipiga ang puso ko habang nakatulala sa litrato niyang nakangiti. Iyan ang ngiti na di ko na makikita ng pisikalan kailanman. Hindi ko na maririnig ang malaanghel niyang boses lalo na pag tumatawa siya.
Nang lingunin ko ang katabi ng kanyang puntod ay doon na ako nagsimulang humagulhol.
My sweet Angel...
Hindi ko maatim na hindi man lang niya naranasang makapaglakad, makatakbo at makapaglaro katulad ng mga bata. Hindi ko man lang narinig na tawagin niya akong papa dahil maaga siyang kinuha sa akin. Hindi ko man lang naranasan na ihatid at isundo siya sa paaralan. Lahat ng iyon ay ipinagkait sa amin. Dahil..
Maaga siyang nawala.
Maaga siyang namatay.
And that because of your Family, Gold.
Para akong hindi lalake dahil pakiramdam ko sa sarili ko ay mahina ako.
Walang pagod, walang sawa at walang tigil sa pagdausdos ang mga luha ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon dahil halong-halo na.
Paano kita mamahalin Gold?
Paano? kung sa tuwing naaalala ko ang karumal-dumal na ginawa ng angkan mo sa pamilya ko ay mas lalo akong kinakain ng galit . Bumabalik ang sakit na iyon na para bang preskong sugat na natamo ko.Mas mabuti pa nga ang sugat ay madaling humilom, pero itong nararamdaman ko ngayon? Pilit akong pinipiga. It's a torture of mine.
Gusto kitang saktan! Gusto Kong magdusa ang ama mo sa pamamagitan mo. Pero sa tuwing sinasaktan naman kita ay mas nasasaktan ako. Hindi ko na maintindihan pa! Gulong-gulo na ko!
Bzz...bzz...bzz..
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya agad kong pinahiran ang luha ko at kinuha ang cellphone sa loob ng bulsa.
Agad ko rin naman iyong sinagot nang makitang galing iyon kay Sofia.
"Oh my God!!!! Daniel! Kyahhhhhhhhhh!", tumitili siya sa kabilang linya, halatang masaya siya.
"What!?", Asik ko, ang sakit kasi sa tenga ang paraan ng pagtili niya.
"Haven't you hear the good news?", aniya.
"Just spill it out! ", giit ko.
"Si Gold...",, agad na sagot niya at bigla naman akong nagkainteres nang marinig ang pangalan ni Gold.
What about her?
"Ghadd...Ewan ko ba pero natutuwa ako. You know what? Ang bilis ng karma. Bwahahhahha", tumatawang aniya, hindi ko alam kung bakit bigla na lamang ako nakaramdam ng kaba?
Karma? What happen?
"Aksidente ko siyang nabangga bwahahhahh. Super nakakatawa! Hindi ko naman sinasasdya Yun noh.. bwahhaahhha basta ang karma may kagagawan nun. Hahahahaha ayun! nasa Romero's hospital na siy-.",
BINABASA MO ANG
Seducing The Professor Season Two
RomansaWhen you're still in love with him despite of what you'd discover.