Masaya kaya ako kung nag confess ako? Magiging mas exciting kaya ang araw ko kung lagi tayong mag uusap? Masaya ka rin kaya saakin? Gusto mo rin kaya ako? Magbabago ba ang takbo ng buhay ko kung ginawa ko ang mag confess sayo?Mga tanong na hindi ko alam kung paano masasagot.
Lagi akong naka subaybay sa mga achievements mo. Sobrang saya ko kapag nakikita kitang masaya at matagumpay ka sa mga ginagawa mo.
Ang hirap kapag babae ka, hindi mo masabi na "I'm super proud of you!" sa lalaking gusto mo. You wanna approach him but how? In what way mo kaya pwedeng masabi na "uy ang cute mo naman kuya..."
Nakakatakot na baka hanggang kaibigan lang pala talaga ako sayo, or worse, hindi mo na ako ituring pang kaibigan. Masaya naman na ako sa kung nasaan ako. Ayos na ako na nakikita kitang ina-achieve ang goals mo na sana ay kasama mo ako. Masaya na ako kapag nagkaka salubong tayo sa hallway ng University at ngingitian mo ako. Masaya narin ako kapag nag re-react ka sa mga shared post ko at kapag na s-seen mo mga story ko.
You don't know that in that simple way, nabubuo mo na ang araw ko.
Pero paano kaya kung sabihin ko na may gusto ako sayo? Magbabago kaya ang tingin mo saakin? Ngingitian mo parin kaya ako kapag magkakasalubong tayo? Mag r-react ka parin kaya sa mga shared post ko? O i-uunfriend mo ako?
Ang daming pwedeng mangyari sa isang tanong na kailan man na sure ako na hindi ko maaaring itanong sayo.
i feel like i'm waiting on something that ain't gonna happen.
Dito nalang ako. Masaya na ako na hindi mo alam na may feelings ako sayo. Baka kasi hindi mo naman talaga ako gusto at baka may iba kang gusto.
Sana alam mo na I'm always here for you. It may not be obvious but God knows that I really care for you. Sana maabot mo ang mga pangarap mo. Kasi alam ko na kung tayo ang para sa isa't isa, tayo talaga.
Hihintayin ko nalang na baka magbago pa ang ihip ng mundo at dumating sa panahon na ma realize mo na gusto mo rin pala ako.
Ayoko din umabot sa point na kapag gusto mo na ako, ako naman ang walang nararamdaman para sayo.
BINABASA MO ANG
Thoughts Under The Sun (A Journal)
Short StoryShe got no guts to speak, but then she have the guts to write. Is she gonna confess all of her feelings? or will stay still on her shadows?