E P I L O G U E

3.4K 49 3
                                    

EPILOGUE:

Dedicated to: lalaladyred : )

Matagal kaming nagkatitigan ng taong nasa harap ko. Nagulat ako ng may tumulong luha sa mata niya.

"Kiana" garalgal ang boses niya ng binanggit ang pangalan ko.

"Kiel" tumakbo ako palapit sakanya at niyakap siya.

"Kiel, namiss kita!" sabi ko habang umiiyak at hinampas hampas siya.

"You think it was easy to be cold at you? Hindi ko kaya Kiana, pero kinaya ko. I was never mad at you. I just can't believe na nagawa mo yung mga bagay na yun. Para sa akin?" sabi niya at bumuntong hininga.

"Kiel, it's because I love you. Ayokong mawala ka sa akin. I know I've been so selfish pero maniwala ka, pinagsisihan ko lahat yun" sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya sa akin. I missed that smile, for one year, hindi ko nakita yun.

"Kiana, sinisi ko ang sarili ko sa loob ng isang taon. Actually, pumunta ako sainyo kanina to give your notes. Nalimutan mo yata sa car. But nakita kitang kausap si Mang Berting and you told him na pupunta kang ospital. I thought may sakit ka. But I didn't expect na dinalaw mo si Angel" sabi niya. Ngumiti lang ako.

"Lagi ko siyang dinadalaw sa gabi, Kiel. Kasi umaasa akong magigising pa rin siya kahit sinabi ng doctor na Malabo na" sabi ko sakanya.

"Me too. I'm hoping na magising siya. I know magigising siya, Kiana. Angel's a strong girl"tumango lang ako sa sinabi niya.

Pagkauwi ko sa bahay, nakita ko si Daddy na nakaupo sa sala. Napakaunusual niyang magstay rito. Tumango lang ako sakanya at aakyat na sana but nagulat ako sa bigla niyang pagtawag.

"Kiana" it's the first time na tinawag niya uli akong Kiana. Noon kasi, Louise lang talaga which is masakit cause alam kong Kiana tawag niya sa akin. Dati nga princess pa.

"Dad, bakit po?" tanong ko sakanya habang nasa hagdan ako.

"Can we talk?" bumaba naman ako at umupo ako sa tapat ng inuupuan niya.

"Ano pong nagawa ko Dad?" tanong ko sakanya.

"I asked Berting kung saan ka nagpupunta every night. He told me na kila Cess but that's impossible cause I called Jason earlier and sabi niya, hindi ka raw nagagawi sa kanila and Cess is always in their house. And I don't buy the reason na gabi-gabi ka na kila Cess. I almost fired Berting because akala ko kung saan ka nagpupunta and hindi niya sinasabi" sabi niya at tumikhim

"Dad, wala pong kasalanan si Mang Berting. I told him na sabihin na kila Cess cause--

"I'm sorry anak" parang pumalakpak ang tenga ko nang sabihin niya yun.

"Po?" taas kilay kong tanong sakanya.

"I'm sorry because ang dami kong naging pagkukulang sayo, Kiana. I've been so busy sa office and sa school and I know that we've been so cold to you. I'm sorry" nagulat ako ng bigla siyang umiyak at yumuko.

"Dad, you don't have to be sorry. Kung meron mang dapat magsorry rito, ako yun. Kung hindi dahil sa kaselfishan ko, sana wala si Angel sa ospital ngayon" sabi ko at lumapit sakanya.

"Can I?" tanong niya na tinanguan ko lang. I missed my Dad so much. Niyakap niya ako at humagulhol.

"I'm sorry my Princess" matapos noon, lalong naging maluwag sa dibdib ko. Okay na kami ni Kiel, pati ni Daddy.

My Side [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon