Chapter P

1.2K 34 0
                                    

Chapter P

Dedicated to: lenyenz

Pagbaba pa lang namin ni Kiel ng sasakyan, kitang kita ko ang press na halatang ako ang hinihintay.

"Miss Saavedra, ano ang masasabi mo sa kapatid mo sa labas?"

"Anong pakiramdam na hindi lang ikaw ang tagapagmana ng mga Saavedra?"

"Totoo ba ang sinabi ni Maita Monte sa party mo kagabi?"

Naiiyak na ako sa mga tanong at pang-haharass nila sakin. May mga microphone, recorder na nakatapat sakin.

"Kiana has been traumatized because of what happened last night. Please excuse us"sabi ni Kiel sakanila at inilayo na ko sa mga press doon. Hindi na naman sila makakapasok sa school kasi hanggang parking lot lang sila.

Pagkatapak na pagkatapak ng paa ko sa lobby, kitang kita ang mga estudyante na nakatingin sa akin at halatang yung nangyari kagabi ang pinag-uusapan nila.

"Grabe, sino mag-aakalang Saavedra si Angel?"

"Kaya nga eh. Kaya pala may resemblance sila ni Kiana"nag-init naman ang ulo ko sa narinig ko.

Nginisian ko sila at tinignan kahit mugtong mugto ang mata ko sa kaiiyak kagabi.

"Dears, stupid people talk about other people. If you have nothing good to say, then shut up"sabi ko sakanila at inikutan sila ng mata. Umalis naman sila kaagad at hinawakan ako ni Kiel sa balikat.

Tinignan ko naman siya "Kiel, paano nila nalaman yun? Diba wala nanamang bisita kagabi ng i-announce ni Maita yun?"tanong ko sakanya. Bigla namang kumunot ang noo niya.

"Pero may press kagabi, Kiana. Kalat na sa buong Pilipinas"malungkot niyang sabi. Nanlaki naman ang mata ko.

"No Kiel! NO! Hindi ko kapatid si Angel diba? Diba Kiel?!"pasigaw kong sabi. No, hindi ko kapatid ang impaktang anghel na yun!

Napabuntong hininga si Kiel "Ihahatid na kita sa room ninyo"sabi niya at naglakad na kami. Kahit saan ako tumingin, kitang kita ko ang titig ng mga estudyante.

Nakasalubong ko naman si Cheska kasama ang mga alipores niya.

"Oh hi Kiel"malandi niyang sabi. Tinanguan lang siya ni Kiel at bumaling sakin si Cheska

"Oh Kiana. Your eyes are swollen. Tears of joy ba yan dahil sa iyong illegitimate sister?"maarte niyang sabi.

Ngumiti ako sakanya at napaatras naman siya. Iba talaga ang ngiti ng isang Kiana Saavedra.

"Cheska dear, we're not even friends so I don't owe a word from you. Excuse me"mataray kong sabi at inirapan siya. Sumunod naman sakin si Kiel.

Nang nakarating kami sa classroom, nakita ko naman sila Val na nag-iintay sakin.

"Kiana, I'll see you later huh."sabi ni Kiel sakin. Tinanguan ko lang siya tapos umalis na.

Pagkaalis na pagkaalis ni Kiel, lumapit sakin sila Val.

"Ohmygosh Kiana. That Angel from the slums is a Saavedra? That is so ridiculous!"sabi ni Christine

"I don't think, Christine. Feeling ko nagpapanggap lang yung Maita na yun. Mayaman kami and marami siyang makukuha kaya ginagamit niya yung anak niyang paawa"sabi ko at umirap

"Nung una si Kiel, tapos ngayon ang pagiging heiress ng Saavedra? She's going too much"sabi ni Sophia

"Yeah right girls. Like OMG! That revelation shocked all of us, Imagine, si Tito Sean may anak sa labas? Uggh"sabi ni Leen

My Side [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon