Chapter X

1.1K 24 1
                                    

Chapter X

Dedicated to: lalaladyred :)

Nagising ako na nakahiga sa isang unfamiliar place. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko kaya at nakita kong nakatali ang mga kamay ko. Luminga-linga ako at nakita ko si Angel na nakahiga rin at walang malay.

Naalala ko na. Mukhang nakidnap ata kami eh. Kung ransom lang, barya lang yan samin noh. Nakita ko ang isang lalaki na may hawak na plato at baso at nilagay sa harapan ko.

"Gising ka na pala. Oh kumain ka muna" sabi niya saakin. Inirapan ko lang siya.

"Do you think I'll eat that? I don't even know if pagkain ba yan ng tao eh" tsaka ko sya nginiwian

"Alam mo ikaw, napakaarte mo rin eh! Bahala kang magutom!" sabi nya at umalis na.

Oo, mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom kesa sa food poison. Ugh, kasalanan ba talagang maging mayaman? Napakacheap naman ng retreat house na pinuntahan ng school namin! To think na napakayaman ng school KO at may kakanyanan namang pumunta sa mahal, dun pa sa unsecured, ayan tuloy. Mababawasan na nga mana ko dahil kay Angel, lalo pa dahil sa ransom. Syempre, ipapatubos rin 'to!

Nagulat ako nang may marinig akong ungol at nakita kong si Angel pala yun. Aba't nagising na ang prinsesa.

"Kiana, asan tayo?" tinignan ko lang sya tsaka inirapan.

"Do you think I know what kind of place is this? You should be the one who knows this kind of places cause you are used to it" sabi ko. Napayuko naman sya. Napakapaawa talaga.

"Alam mo, kung hindi ka lang umepal, edi sana ako lang yung nandito eh. Sana ako lang raransoman. You don't even deserve na gastusan kasi bastarda ka lang naman. Iba talaga malas pag kasama ka" iritang irita na ako sa kamalasang dala ng babaeng 'to

"Kiana, wala namang may gusto nito eh" tinignan ko lang siya tsaka inirapan.

Tahimik lang kami ng magaling na Anghel nang bigla siyang magsalita.

"Kiana, kailangan nating makatakas rito" sabi ng gaga. At sa paano namang paraan?!

"May naisip ka na bang paraan?!" taas kilay kong tanong sakanya.

"Kaya nga kailangan nating magtulungan, Kiana! For once, kalimutan mo muna yang galit mo sa akin" mahinahong sabi niya. Sige na nga! Pero kailangan talaga naming makatakas rito!

Napatingin kami sa may pintuan at pumasok yung isang lalaki kanina. May mga kasama siya at huling pumasok yung lalaking panget, ay lahat pala sila pangit. Yun ata yung boss nila. Ngumisi yung boss nila at nginiwian ko naman. Kala niya ha!

"So, galing pala etong mga 'to ng Saavedra International School. Balita ko ang may-ari ng school na yun ay may-ari ng chain of companies eh. Ibig sabihin, mayayaman ang mga 'to!" hindi bagay sayo mag-english, stupid! Ngumisi siya. Inirapan ko muna siya bago magsalita.

"Yes, mayaman talaga kami noh. Ako ang tagapagmana ng lahat ng iyan. Kaya kung ako sainyo, pakawalan niyo na kami rito" sabi ko tsaka siya inirapan

Nginisian ako nung lalaking pangit tsaka sinabing "Matapang ang isang 'to ha. Palibhasa, Saavedra. Tiba tiba tayo rito, anak pa pala ito ni Sean Saavedra" tsaka sila nag-hi5. Stupid! Mga dukha kasi kailangan pang mangidnap para lang may makain.

"You know what, tawagan niyo na ang Daddy ko at ipatubos niyo na ako rito. Look at this place, so gross! And look at your foods, pagkain ba ng humans yan?"tsaka ko sila inikutan ng mata.

"Kiana!" saway sa akin ni Angel. Psh, bait baitan pa rin hanggang rito!

Lumapit sa akin yung lalaki. "Alam mo ikaw, kung wala lang kaming pakinabang sayo, kanina pa kita tinira. Napakayabang mo porket anak ka ng may-ari ng school at kompanya. Ano na bang narating mo, ha?" nginisian ko siya matapos niyang sabihin yun.

My Side [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon