Chapter O

1.2K 28 0
                                    

Chapter O

A/N: Sorry for late updates.

Dedicated to: namierasonado.

I can’t believe this. Di ako makapaniwala sa nakita ko. Bigla namang nag-ring yung phone ko. Kinuha ko ito sa clutch bag ko at binasa ang message.

From: Cess Dela Vega

| Kiana, asan na ba kayo ni Angel? Paano na yung plan? |

Oo nga pala. I have to make this plan a successful one.

Hinabol ko si Angel at ang Mama niyang pasakay ng taxi.Kahit nakagown ako lumabas ako ng hotel.

“Hey Angel, you stay first please? Papahatid nalang kita sa drivers”sabi ko sakanya. Tinignan naman ako ng nagtataka nyang Nanay.

Nginitian naman nya ko at sinabi sa taxi driver na di nalang sila sasakay. Pagtapos nun, pumasok na kami sa loob ng hotel at sumakay ng elevator.

“Nako Kiana, nakakahiya naman kung ipapahatid mo pa kami”hiyang hiya nyang sabi. Napaikot nalang ako ng mata sa loob loob ko. Kahit na ayaw kong sumakay ka sa kotse ko, kailangan naming maisakatuparan to.

“No worries. It’ll be fine”pinilit kong ngumiti.

Maya maya, nakarating na kami sa function room. Nakita ko naman sila Cess na nag-aabang samin.

“Oh Kiana, kanina ka pa namin hinahanap. Where have you been?”tanong ni Val sakin.

“Pumunta lang sa washroom”I told them. Tumango naman sila.

“Uhmm Kiana, upo muna kami sa table dun ha”sabi ni Angel. Tumango naman ako.

Pagkaalis nila, bigla namang nagsalita si Tine.

“Tuloy ba plano?”she asked me.

Inikutan ko naman sya ng mata, “Duh! Of course yes!”dinuro duro ko sila isa isa “siguraduhin nyong success to ha. Pag ito pumalpak!”sabi ko at pumasok na sa loob. Sumunod naman sila.

Pagpasok ko, nakasalubong ko si Mommy.

“Sweetie, you blow the cakes after 1 hour ha? You dance first with them”sabi nya.

“Yes Mom.”I told her. After nun, pinatay na yung ilaw at nagsayawan na lahat sa dance floor.

Habang nagsasayaw kami ni Kiel, biglang nag-ring yung phone ko.

Valerie Delos Santos

Calling…

Sinagot ko naman.

“Hello?”

(Hello Kiana? Okay na yung CCTV. I’ve done my part)

Ngmiti naman ako kay Kiel, “Excuse me first” sabi ko at umalis. Mahirap na baka mamaya.

Pagkalayo ko, kinausap ko uli si Val.

“Good. Siguraduhin nyong may magkakabit nyan mamaya before malaglag ha. I’m sure ichecheck nila yan”sabi ko

(Of course. We know what to do already Kians. Trust us)sabi nya

“Alright. I’ll just message you. Nagsasayaw pa kami ni Kiel. Bye”di ko na sya hinintay sumagot at binaba ko na yung phone. After nun, pabalik na ko kay Kiel nang nakita kong iba na ang kasayaw nya.

My Side [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon