UNANG YUGTO

2.1K 66 25
                                    

She can't remember when was the last time she hated the world that she can't even appreciate the air she breathed, the flowers, the sunrise, and the sky.

She can't remember when was the last time she wished that everything before her will be destroyed no matter how pretty and delightful they are in her eyes.

Right, it was that time when her parents was put to public trial because of treason in the Castille State. When the innocent was punished and the evil became the victim. She hated how people turned the place she loved into hell, how the devil triumph inspite of all things created with purpose and kindness.

But she really never learned not to care because somehow she is connected to her surroundings. She is the scent of the greeneries, the warmth of the sun, the cold drops of rain, and the humid guts of the wind. She is a woman born with the pure heart of her mother.

Despite of the bad dreams and the destruction, she chose to led a happy life, responding to struggles with smile. Yet, hatred perhaps meant to swallow her heart once more. In the midst of a blank and dark space she was eaten by the greed of demons masked in human skin.

Sinipat ni Carmina ang kumikirot na mga pulsong nagkukulay-ube dahil sa higpit ng lubid na nakagapos sa kaniya. Sakay siya ng naglalayag na barkong hindi niya alam kung saan patungo. Kumikirot ang ilong niya sa amoy ng kalawang, grasa at panghi ng ihi ng tao. Apat silang nandoon sa mainit at mabahong cargo area. Dalawang babae at dalawang kabataang lalaki na gaya niya ay nakagapos din. Ang babaeng katabi niya na may pasa sa pisngi ay maaring kasing-edad ni Maria.

Si Maria. Napakislot siya nang maalala ang anyo ng matanda. Ang mukha nitong namimilipit sa sakit dahil sa kadenang nakapulupot sa leeg bago ito binawian ng buhay. Mabuti pa nga sigurong namatay na lang din siya tulad ni Maria. May kutob kasi siyang mas matindi pa ang kalupitang dadanasin niya sa kaniyang pupuntahan.

"Pilipina ka ba, Ineng?" Nagsalita ang babaeng katabi niya. Paos ang tinig nito at halatang dahil iyon sa sakit na iniinda.

Tumango siya. May punit ang suot niyang pantalon at mahapdi ang balat niyang nalapnos sa ilalim. Nakuha niya iyon nang bumaliktad ang van na sinakyan nila ni Maria nang tangkain nilang tumakas.

"Ano ang nangyari sa iyo? Ibininta ka rin ba sa mga pirata? Sabagay, sa ganda mong iyan, tiyak itatapon ka nila sa negosyo ng prostitution."

Kumibot ang mga laman niya sa pagbangon ng takot at kinuyog siya ng hindi birong nerbiyos. Gagawin siyang taga-aliw ng mga ulol na hayok sa laman? Mariin niyang kinagat ang labi at sinipat ang mga paa na nakagapos din. May dumi ng putik at mantsa ng dugo ang running shoes na suot niya. Kung may masilip siyang pagkakataon, tatalon siya sa dagat. Mamamatay muna siya bago siya papayag na may makikinabang sa katawan niya.

Men?

They are the deadliest venom that has ever walked on earth and she hated them with every piece of her being.

"Tagasaan ka ba, Ineng?"

"Castille," maiksi niyang sagot.

"Saan iyon? Sa ibang bansa?"

"Sakop ng lupain ng Spain pero independent estate. May sariling gobyerno. Monarkiya ang sistema roon at pinamumunuan ni Duke Moscari."

Nitong nakaraang buwan ay nagkaroon ng kaguluhan sa buong estado. Natuklasan nila ang pagtataksil ng asawa ng duke at ang lihim na itinago nito sa basement. Ang ina ni Anna na nakakulong doon. Sa tulong ni Maria ay naitakas nila si Adrianna pero nasukol sila ng mga taong humahabol sa kanila, mga tulisan na inupahan ng asawa ng duke.

The painful thud in her chest intensified when she noticed one of her abductors, a large guy with untidy posture and messy hair appeared in the doorway. Lumapit ito sa kanila. Natilihan siya nang makita ang syringes na bitbit nito. May laman ang mga iyon. Was it illegal drugs? Una nitong tinurukan ang dalawang binatilyong hindi na umalma dahil sa bugbog. Pagkatapos ay ang matanda.

BGT 05: KISSING THE VENOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon