Chapter 5 - Unang Yugto

473 47 12
                                    

Hindi na nabilang pa ni Carmina ang paglipas ng mga araw. Naghilom na ang mga sugat niya at mabilis niyang nakasanayan ang buhay roon sa Parola. Maaga siyang gumigising sa umaga at maaga ring natutulog sa gabi. Walang gadgets. Wala ang mga bagay na pinagkakaabalahan niya dati. Tanging awit ng mga ibon at ingay ng kuliglig ang musikang naririnig niya. Pero nakapagtatakang hindi man lang siya nakadama nang pagkainip kahit lumaki siya sa siyudad at hinubog sa mga aktibidad na tila laging naghahabol sa oras.

"Tapos ka na?" Lumapit sa desk niya si Lenna at sinilip ang ginagawa niyang payroll ng mga trabahante.

"Malapit na." Hindi siya nag-abalang sulyapan ang babae.

Binigyan siya ni Marco ng trabaho rito sa opisina nito. Clerical jobs, nothing that she can't handle. Pumapasok din dito si Lenna bilang secretary ng binata.

"Totoo bang doon ka natutulog sa quarter ni Marco noong una kang dumating dito?" Malumanay ang boses nito pero may bahid ng selos. Bumalik ito sa sariling desk at may nilikom na mga papeles.

"Oo," tango niya.

"May nangyari sa inyo?"

"Masyado nang personal iyang tanong mo." Sinipat niya ng masungit na sulyap si Lenna at nagtuloy sa bintanang salamin ang mga mata. Umaambon pala sa labas.

"Ang defensive mo." Umismid ito pero hindi na ipinilit na sagutin niya ang tanong.

Sabi ni Tonio sa kaniya, naglalako lamang ng snacks ang dalaga noong nagsimula pa lang ang construction. Tapos nag-apply ito bilang secretary at tinanggap naman ni Marco. Napansin niyang efficient ito sa trabaho at organized sa mga bagay-bagay.

"Minsan na rin naman akong natulog doon sa quarter niya," pagkuway sabi nito na para bang gustong palabasin na mas nauna ito sa kaniya sa buhay ni Marco.

"So, may nangyari sa inyo?" Tumikwas ang kaniyang kilay.

"Akala ko ba masyadong personal ang tanong na iyan?" mabilis nitong supalpal.

"Di ba, parang iyon ang point mo  dahil natulog din kaming magkasama?" Umirap siya at pinagtuunan nang muli ang trabaho.

Isang linggo nang hindi sila magkasama ni Marco sa quarter nito. Gumawa ng bagong cabin ang binata at doon na ito natutulog pero hindi nito nilipat ang mga gamit kaya pumapasok-pasok pa rin ito roon sa dati nitong quarter. Hindi siya nagtanong kung bakit ito humiwalay ng tutulugan. Kung tutuusin iyon naman ang dapat. Nagpasalamat pa nga siya at ito na ang kusang umiwas.

"Cj, pwede bang akin na lang si Marco? Feeling ko kasi type ka niya."

Nahinto ang mga daliri niya sa pagtipa sa keyboard ng computer. Bumaling siyang muli kay Lenna. 'Yong bitchy side niya ay gustong inisin ang dalaga pero wala naman siyang mapapala kung magpapaka-kontrabida siya sa pangarap nito.

"Nag-aalala lang siya sa akin. He knew I was brought in this place not under normal circumstances. Ayaw ko talagang mapunta rito. May career akong iniwan sa Spain." Pinili niyang sabihin na lang ang totoo.

Marco is a real temptation. A venom that any woman would love to taste even if he's deadly, and she is not an exception. Habang tumatagal ay nagiging malinaw sa kaniya ang personalidad ng lalaki. Hindi na niya kailangang imbistagahan ang background nito para malaman na isa itong notorious womanizer.

Sa pananatili niya rito'y hindi kasali ang magkaroon siya ng affair kay Marco hangga't maaari. Priority niya ang makauwi nang ligtas at makuha ang hustisya sa nangyari sa kaniya at sa mga mahal niya sa buhay.

"Hindi mo siya gusto?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Dapat ba magustuhan ko rin siya? Attracted ako sa kaniya, iyon lang. Guwapo kasi at may tindig. Oozing hot, 'di ba?"

BGT 05: KISSING THE VENOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon