Chapter 5 - Ikalawang Yugto

494 43 7
                                    

She used to be a victim of bullying during her teenage days because of her mix origin. Before her family was able to establish their lives in Castille, she struggled for a place to belong and against the prejudice of strangers who refused to accept her. This is the reason why she taught herself to always be grateful for the little things which made her happy.

Pero kahit ang isang tao o isang bagay ay nagpapasaya sa kaniya, hindi pa niya naranasang makipag-away o makipag-agawan. Lagi niyang pinipili ang mapayapang panig at magparaya. Kaya lang, hindi niya ngayon mahagilap ang kagustuhang ipaubaya si Marco kay Lenna kahit hindi naman niya pag-aari ang lalaki at wala siyang karapatang bakuran ito mula sa ibang babae.

"Ako na ang magpapakain sa kaniya, Lenna. Napagod ka sa pagluluto kasama ang ibang mga dalaga rito. Ako na ang bahala kay Marco," kaswal niyang pahayag sa tonong nagbabala na hindi siya magpapatalo kung ipipilit ni Lenna ang gusto.

"Ayaw ko-"

"Lenna, si Julito na lang ang pakainin mo," sabat ni Marco pero sa kaniya nakatitig na tila ba hinalukay ang nilalaman ng utak niya sa mga sandaling iyon.

Sumimangot ang babae at sinipat nang masamang tingin si Julito na nagkakamot ng batok. Bahagya siyang ngumiti nang bumaling sa kaniya ang mahiyaing sulyap ng lalaki.

"Kung ayaw ni Lito, pwede ring ako na lang, Lenna." Sumingit ang nakangising si Max.

Umirap si Lenna habang nagkatawanan sila. Hindi lang si Marco ang kumain, nagyaya sa iba ang binata at pati siya ay kinulit na saluhan ito. Para tuloy silang nasa picnic sa bukid. Nakaupo lang sa manipis na carabao grass.

Pero imbis na si Marco ang pagsisilbihan niya dahil may sakit, ito ang tumatayo at nagdadagdag ng pagkain sa pinggan kung saan sila magkasalo. Hindi niya alam kung ilang beses na silang nagdagdag. Ganado siya kahit paulit-ulit siyang muntikan nang masakal sa kinakain tuwing nagtatagpo ang mga mata nila ng binata at naaaninag niya ang kakaibang kislap ng emosyon sa titig nito.

"Again, thank you for coming here to check on me." Nagsalita ito. Dinampot ang pitsel na may purong buko juice at nagsalin sa baso. Iisang baso lang din ang ginamit nila.

"Kung hindi ako kinulit ni Lenna baka hindi ako nagpunta." Sinuyod niya nang sulyap ang mga dalagang alam niyang kanina pa nakamasid lang sa kanila. Humantong ang paningin niya kay Lenna na pinagti-tripan nina Julito at Max. Sigurado siyang isa sa dalawang lalaki ang may gusto kay Lenna. Mukhang si Max.

"What do you think of this place? The entire island, I mean. Minus the bad guys of course." Inagaw ni Marco ang atensiyon niya.

"Adorable and nostalgic, it reminds me of the place where I grew up."

"Spain?"

"Castille, a monarch state owned by Duke Moscari."

"If this place reminds you of your homeland then it wouldn't be hard for you to adjust living here with me."

"Ano'ng pinagsasabi mo?"

"I am going to be the duke in this place, will you be my duchess?"
Perhaps he is just teasing her, enjoying the effect it has on her.

"Why not?" Pinatulan niya ito at bahagyang ngumiti. Hinimay niyang maigi ang natitirang laman sa pakpak ng adobong manok.

She is reading his actions if he is serious or he is just being flirtatious. He is sinfully attractive that she can't resist the temptation to indulge the promise of hedonistic pleasure he can  execute without fail.

"You don't believe me?" he murmured  and it sounded as if he is upset. A pool of vermilion-red fire is glowing at the center of his irisis.

Nalunok niya nang wala sa oras ang kinakain. "Marco, may pamilya akong maghahanap sa akin. Nagpapasalamat ako sa pagligtas at sa proteksiyon mo pero hindi ako-"

BGT 05: KISSING THE VENOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon