Chapter 1 - Ikalimang Yugto

1.3K 49 11
                                    

Isang oras lang ang pahinga ni Marco mula nang lumagak ang team niya papunta sa isla. Umaalog ang ulo niya sa antok. Hindi siya makaidlip kahit ilang minuto man lang dahil magsisimula na ang assault mission nina Edan sa kuta ng mga bandido.

Inubos niya ang natitirang laman ng energy drink at hinagis ang bote sa trash bin sa sulok ng cabin. Naglibot na siya kanina para tiyaking hindi matitibag ang depensa nila sakaling papasok sa bahaging iyon ang mga bandido.

Nailikas na rin sa ligtas na lugar ang mga katutubo. Sagana sa bomba ang mga kalaban. Ayaw niyang sumugal kahit tiwala siyang matibay ang perimeters na naka-setup para sa proteksiyon ng mga civilian. Kapag may nadamay na inosente, accountability niya iyon.

Lumapit siya sa cabinet at binuksan iyon. Nasa loob pa ang ilan sa mga damit ni Carmina na naiwan doon. Kumuha siya ng blouse mula sa hanger at dinala iyon sa kaniyang bibig, hinalikan. Umaasa siyang pagbalik niya ay naroon pa rin sa unit niya ang dalaga at naghihintay. Pero hindi niya maipaliwanag ang kaba na tumitibag sa kaniyang dibdib.

"Marco!" tawag ni Lenna mula sa labas.

Ibinalik niya sa loob ng cabinet ang damit ni Carmina at isinara ang pinto. He directed towards the exit. Binalya siya ng yakap ng dalagang naghihintay sa labas.

"Si Cj kasama mo ba? Nasaan siya?" Sumilip ito sa loob ng cabin.

"Wala siya, naiwan sa bahay ko. Salamat sa pag-aalaga sa mga pasyente habang wala ako. You've done a good job as well as the other girls in the village." Hinaplos niya ang tuktok ng ulo nito.

Ngumiti ito ng magiliw. "Ano'ng mayroon? Bakit ang higpit ng mga bantay sa mga hangganan ng nayon?"

"Overhauling," pabiro niyang sagot. "Basta, hangga't wala akong sinasabi, manatili lang kayo sa camp. Ligtas kayo roon."

"Aalis ka na naman ba?" nagpa-panic na tanong ng dalaga.

"May importanteng gagawin kami ng team ko, hindi naman kami lalayo sa lugar na ito."

The earpiece his wearing notified him that the operation is charging now on the target area.

"Men, secure the remaining people outside the camp and bring them inside the shelter!" he shouted over pulling Lenna towards the emergency evacuation shelter. "Bantayan mo ang mga bata para sa akin, huwag hayaang may makalabas kahit isa, maliwanag?" bilin niya sa dalaga.

"S-sige, mag-iingat ka!" Balisa itong tumango at tumalilis papasok ng shelter.

"Marco!" Humahangos na sumalubong sa kaniya si Max. "May mga taga-nayon na gustong tumulong sa atin. Bibigyan ko ba sila ng armas?"

Natanaw niya ang mga kalalakihang nagmula sa iba't ibang nayon sa katimugan ng isla.

"Sige, bigyan mo sila ng armas pero gagamitin lang nila para protektahan ang nasa shelters at camp. Hindi sila sasama sa atin."

"Sige! Dito tayo!" Kinambatan ni Max ang mga ito para sumunod papunta sa main base kung saan nakatago ang armada nila.

Nasa hilagang bahagi ng isla ang kuta ng mga bandido at may posibilidad na dadaan ang mga ito sa lokasyon nila kung sakali tatakas tangay ang hostages. Pero bago ang option na pagtakas mas tamang isipin na lalaban ang mga ito dahil hindi naman sekreto ang rescue mission na ginawa nila. Kaya siguradong nakapaghanda ang kalaban ng mga patibong sa paligid.

Nag-ikot muna siya para tiyaking intact pa rin ang security system na naka-set up sa buong lugar. Nang matiyak na walang problema't sumunod siya sa warehouse. Nadatnan niya ang mga taga-nayon na abala sa mga baril. Dalawa sa team niya ang nagbibigay ng briefing sa mga ito.

BGT 05: KISSING THE VENOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon