Chapter 3 - Ikaapat na Yugto

489 38 7
                                    

Gising ang matandang lalaking nasa loob ng malawak na home-operated intensive care unit na pinasukan nila. Nakatanaw ito sa labas mula sa malaking kama na kinaroroonan nito. Hindi matukoy ni Carmina kung gaano kalubha ang sakit nito dahil nanatili ang kisig nito sa kabila ng hapis na anyo. Siguro'y pumayat ito ngunit makikita pa rin sa postura ang bakas ng dating malakas na katawan. May hawig dito si Marco lalo na ang hugis ng mukha at ang hulma ng mga panga. Palagay niya ay hindi lamang basta pisikal na karamdaman ang kinakalaban nito ngayon. Banaag ang kahungkagan sa malungkot nitong mga mata.

"Dad," mahinang sambit ni Marco na sapat lang para marinig nito.

Binawi nito ang paningin sa tinitingnang kawalan at ibinaling sa kanila. Kita niya ang talim ng gulat sa mga mata nito bago lumamlam ang mga iyon at mabilis na kumalat ang pula dahil sa napukaw na emosyon. Kumurap muna ito at ang tuyong labi ay kumurba sa bahagyang ngiti.

"Marco, anak..." bulong nito sa namamaos na boses.

Humigpit ang kapit niya sa kanang braso ni Marco. Bumigat ang mga mata niya sa banta ng luha kahit wala naman siyang direktang kaugnayan sa tagpong iyon. Dama ng puso niya ang nag-uumpugang emosyon ng mag-ama. Ang nagtutulakang mga masels ni Marco sa braso at likod dahil sa pagpipigil ng damdamin. Kinagat niya ang labi at marahang itinulak ang binata para mas makalapit pa sa matandang lalaki.

"Akala ko biniro lang ako ng kapatid mo na narito ka." May garalgal sa tono nito.

"Dad, how are you?" Kinuha ni Marco ang maputlang kamay ng ama na may nakakabit na IV line.

The old man smiled weakly. "I guess this is it, I'm going to see your Mom soon. I'm ready, son." Humigop ito ng hangin at muling nagsalita. "Ang nakakalungkot lang mamamatay akong maraming regrets sa buhay ko, isa na roon ang pagpayag kong umalis ka noon. I am a big failure as your father."

"I believe you still have enough time to make up for it, Dad. Show me the tough father I used to admire in you before. This is not the time to lose your heart."

"I've been avoiding the finish line long enough." Umiling ito at sumulyap sa kaniya. "Your girlfriend?"

"Yes, Dad." Lumingon sa kaniya si Marco at ngumiti.

She blinked the tears away and smiled. "My name is Carmina Juana, Sir, and it is a pleasure to meet you." Lumapit siya at binigyan ito nang malamyos na halik sa pisngi.

"She is your future daughter in-law. You will have grandchildren soon, so better pick up your strength back. Kanina lang gumawa na kami ng bata kaya hindi na magtatagal at iingay na muli ang bahay na 'to," pabirong pahayag ni Marco.

Pakiramdam niya ay bumaha ng kumukulong lava sa kaniyang mga pisngi dahil sa hiya. Talagang ibinulgar pa ng lalaking ito na naglampungan muna sila bago nagkusang magpaalam sa master ng bahay na iyon.

"Magpalakas po kayo," pakli niya kahit nanliliit dahil hindi na mapuknat ang titig ng matanda sa kaniya.

"I'm honored to welcome you to our home, Carmina." Ngumiti si Vernard Maraue.

"Thank you, Sir." Napansin niya ang kakaibang sigla na kumislap sa mga mata nitong kanina lang ay humihiyaw ang kalungkutan.

Marco dragged a chair but she refused to sit on it, instead she prefered to settle herself at the edge of the bed near the corner. Hinayaan niya ang binata na maupo sa silya. Muli nitong ginagap ang kamay ng ama at nagsimula itong magkuwento.

Unti-unting nagbago ang atmosphere ng buong kuwarto, mula sa malamig at malungkot na pakiramdam ay nagkaroon bigla ng kakaibang enerhiya.

"I was at San Juan, you know the long lost island according to the map? Ruzzia knew it. The security agency I was working with will establish a system of surveillance, investigation, and rescue satellite in the place. We are starting to undertake information and education for the native origin in there too."

BGT 05: KISSING THE VENOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon