Chapter 4 - Ikalawang Yugto

405 34 4
                                    

Nagmumula sa loob ang apoy ng lagnat, pakiramdam ni Marco ay sinusunog ang kaniyang mga laman. Unti-unti nang kumikirot ang lalamunan niya. Binuksan ng binata ang bote ng mineral water at uminom ng tubig. Ang natira ay ibinuhos niya sa ulo.

His eyes are burning with the steam of heat. Almost four days without sleep and proper food intake, his immune system hit low giving him a hard time keeping his constitution in balance.

"Marco?"

Kasunod ng boses ay lumitaw si Carmina sa gawing likuran ng punong pinagkublihan niya.

"Nandito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap ni Lenna," sabi nitong bumakas ang pag-aalala sa magandang mukha.

Tumikhim muna siya. Kahit sa agos ng likido ay nanatiling tuyo ang lalamunan niya. 

"I'm taking a short break."

"Are you okay?" Humawak sa kanan niyang braso ang dalaga. "Ang init mo! Kailan ka pa may lagnat?"

"Just this afternoon, don't worry, I've took medicines. It's kicking in pretty slow."

"Magpahinga ka kasi at kumain ka. Wait here, I'll get you something to eat."

"And more water please!" Pahabol niya.

Sumandal siya sa katawan ng puno at pumikit. Tila talas ng kutsilyo ang mabining simoy ng hangin. Masakit sa pakiramdam tuwing humahaplos sa kaniyang balat.

Bumalik si Carmina, may dalang saging, loaf bread, boiled eggs, tatlong bote ng mineral water at isang thumbler na malamang ay tsokolate ang laman o di kaya ay gatas.

Pumalaka ng upo sa lupa ang dalaga matapos ibaba sa harap nila ang mga pagkaing dala.

"Here, eat some of these." Nagbalat ng saging si Carmina at isinubo sa kaniya.

Kinain na rin niya. His heart is melting seeing the panic in her eyes. Naubos niya ang saging. Boiled egg naman ang binalatan nito.

"I will be alright." Hinawakan niya ang kamay nito nang mapansin ang panginginig ng mga iyon.

Tumango ito. Pilit na ngumiti. Binuksan nito ang thumbler at ibinigay sa kaniya. Kinuha niya iyon. Tinikman ang laman. Milk, no sugar.  

"You've been doing so much for the villagers."

"No one will do the job if I don't start taking up the responsibility."

She fell silent on that and gave him a smile instead. Yet her eyes can't hide a glimpse of what was going on in her mind but then chose to keep it while she continued tending to him. Kahit umaalma na ang sikmura niya, pinilit niya ang sariling ubusin ang mga pagkain. Ayaw niyang madis-appoint sa kaniya ang dalaga.

"Wala bang pamilya ang mga taong gumawa nito? Paano sila naging ganito kalupit?" She must be referring about the attack in the village.

"People can get used to anything even fighting and killing each other. Animal instinct plus greed often misinterpreted as medium for survival."

"Ganoon ka rin ba? Nakasanayan mo ring pumatay?"

"No matter how desperate the humanity asked for it, there will be times that you have to pull the trigger."

"Ano'ng plano mo sa sindikato?" Itinabi nito ang nigo basket at sinalat ang kaniyang leeg.

"Kill them when I have the chance, wipe them all out in this island, that's my next project after the Parola construction."

Nawalan ulit ito nang imik.

Humiga siya at ang ulo ay ibinagsak sa kandungan nito. Narinig niya ang pagsinghap ni Carmina. Her eyes flickered in surprise. Pero hindi ito umangal at sa halip ay umayos nang upo.

BGT 05: KISSING THE VENOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon