Prologue

12 2 3
                                    

"Mom hindi ako bababa sa  surface. I will stay here sa ayaw at sa gusto nyo." Matigas kong tutol sa kagustuhan nilang manatili ako sa surface.

Ang surface ang lugar sa ilalim ng floating summit. Doon nakatira ang tita ko at gusto rin nila akong doon tumira. Sino namang may gustong tumira sa lugar Na yun? Oo asinsado ang halos lahat ng nakatira roon pero di hamak naman Na mas kumportable ang buhay ko rito kesa sa magiging buhay ko sa surface.

Ang floating summit ay isang isla sa loob ng city of Palem na tanging mga elite lamang ang pwedeng makapasok. Nakahiwalay ito at literal na lumulutang at ang tanging makakapasok lamang rito ay mga naka register sa main ministry. At para makapag register you have to pay. You have to pay an amount that a normal wage earner can't afford that's why I don't want to leave this place.

"Masyado na kaming nag-aalala sayo. Simula ng mangyari yun. Nag bago ka na. "Madam daming dag dag ni daddy.

Umingor ako at tumalikod na. I'm the captain of my life. Hindi ako mag papadala sa utos ng iba. Mag kamatayan na.

"Alistair I want to remind you that you're still living under my name and in just a snap I can throw you out. "
My dad said. As if naman na kaya nya yung gawin sa akin. I'm his only  son...now. Sino pa bang mag mamana sa mga ari-arian nya kundi ako lang.

"Or confiscate your allowance for one year. "Dad added making me stop on my track with my eyes wide.

How could he do this to me?!

"Don't forget to send my regards to your tita. Magpakabait ka. "
My great dad said before leaving with his aeropod. Inihatid nya lang naman ako sa downtown ng Palem at hindi sa mismong bahay ni tita at ang rason? Para raw matuto akong mag commute. Kung sana lang ay hinyaan nya akong dalhin ang sarili Kong aeropod edi sana hindi ko na kaylangang mag commute. Malayo pa naman ang bahay ni tita sa downtown.

Inilibot ko paningin ko sa buong lugar. Friday ngayon at malapit ng mag dilim kayat abala ang mga kalsada. May mga taong sapat na sa pag lalakad habang na nonood sa kanilang holographic watches. May mga aeropod na lumilipad sa taas na animoy nag mamadali. Ang ilan sa kanilay pam pasahero ang iba naman ay private aeropod.
May mga tao ring nakasakay sa floating board.

Nag bukas na rin ang mga ilaw sa mga establisyemento. Bumuntong hininga ako at isinuot na ang wire less see through ear pods ko at nag brows na ng music sa hologram na naka attach sa wrist watch ko.

Mag-uumpisa na sana akong mag lakad lakad bahala na kung Saan ako maabutan ng dilim. May pera naman ako pambayad sa hotel. Isang pam pasaherong aeropod ang tumigil sa harapan ko at bumukas ang pinto nito. Nag solidify ang  hagdan nito at bumaba mula rito ang isang human like robot na nakasuot ng unipormeng asul.

"Sasakay po ba kayo?" Nakangiting tanong sa akin ng magandang robot.
Tinitigan ko lang sya pero wala man lang nag bago sa ekspresyon nya.
Thats because she's programmed.

Sumakay na lamang ako at naupo sa pinaka dulong bahagi ng sasakyan.

"Saan po kayo?"
Tanong ng isang holographic image na bigla na lang lumitaw sa harapan ko.

"Woodvine street. "I said nonchalantly and as if on cue bigla na lang nawala ang hologram.

"Natutuwa talaga akong makita ka ulit Alistair hijo!" A lady on her mid 40's chimed as I reached her apartment and kissed me in the cheek.

"I'm not a kid anymore!!" I groaned but she just chuckled and pinched my nose.
Kasasabi lang na hindi na ako bata eh!

"Kumain ka na ba?" My tita asked and lead me to her apartment's lobby.

"Mio get my nephew's luggage!" Tita demanded on one of her robots. The latter immediately followed her instruction and get my things from me.

"Bring that to room 3401. " tita added. The robot nodded and leave.

"Maupo ka. "Naka ngiti nyang pa anyaya sa akin kaya umupo na rin ako.
I must say that tita's apartment is big and quite classy.

There is a chandelier on the ceiling kahit pa Hindi ito akma sa technological theme ng apartment nya. Kahit kelan vintage lover pa rin sya.

" kumusta ka na pala? Ang tagal mo na akong hindi diandalaw dito. "Ina butan nya ako ng sandwich na dala ng isa sa mga robot nya.

"I have no reason to come here since you're visiting us every month. "I said in a matter of fact  tone. Ang oa kasi. Para namang hindi kami nag kita last month.

"Hayy hindi ka parin nag babago. Pilyo ka pa rin. "Tita sigh.

"Anyway. Is it okay to you kung may room mate ka?" Napukaw ang atensyon ko sa sinabi ni tita. Alam kong malaki ang mga unit nya kaya lang ayoko ng room mate!

"I know that you don't want a room mate but your dad told me that you need to make friends and associate your self to others so I come up to this idea na pabantayan ka dito sa isa sa mga tenants ko since madami syang errands sa labas ng campus at makakatulong sya sayo. "
Ramdam ko ang excitement sa boses ni tita.
Bakit nya pa ako tinanong kung okay sa akin ang room mate kung utos naman pala ni dad na bigyan ako ng isa?

"Just make sure na hindi sya sakit sa ulo. "I said.

"Oh believe me hijo. This person is one of a kind. "Tita said with her sweet smile.
Bakit parang kinakabahan ako?

"Miss Collins sorry inabot na ako ng dilim! May banggaan kasi eh. Hindi pa naman kita ma massage naiwan ko kasi ang connector ko sa unit. "
Napa angat ang tingin ko sa isang babaeng humahangos na pumasok sa loob at lumapit ka tita.

"There you are. Akala ko kung ano ng nangyari sayo. "Natatawang anas ni tita at niyakap ang bagong dating.

"Oh sya nga pala. Sya yung pamangkin kong sinasabi ko sayo. "

Nag lipat ng tingin sa akin yung Babae. Hindi ko maiwasang ma patitig sa muka nya. Mapupungay ang mga mata nya at malalantik ang mahahaba nyang pilik mata. Maliit lang pero hindi pango ang ilong nito at manipis ang namumula nyang labi. Makinis rin ang maliit nyang muka. Magulo man ang kulot nyang buhok hindi nito na apektohan ang mala anghel nyang muka.

"Ah so ikaw si Alistair? Nice to meet you room mate! I'm Razel Pawn. And to clarity things Pawn is not my surname. " Hindi ko mawari kung nakangiti ba sya o nakangisi pero ramdam ko ang angas sa boses nya.

Teka! Babae ang room mate ko?

                   * * * *
     This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents, are either the products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead ,or actual events is purely coincidental.

On Her HandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon