Chapter 21- Comforts

1 0 0
                                    

Pabagsak akong umupo sa couch habang hinahayaang dumaloy ang luha pababa sa pisnge ko. Pagod na akong pigilan ang mga bwisit na luhang toh. Nakakapagod.

Maya-maya pa ay mahihinang katok ang nag padilat sa mata ko. Pinahid ko ang mga luhang tumutulo sa pisnge  ko.
Mariin akong nag buntong hininga bago buksan ang pinto. Nagulat ako ng makita si Ms. Collins sa tapat ng pinto ko. May dala syang tupperware habang nakatitig sa akin ang malalambot nyang mga mata.

"Ano po kailangan nyo?"
Sinubukan kong pasiglahin ang boses ko pero tinraydor lang ako ng sarili kong boses.

"I saw Shimmy."
Saad nito at pumasok sa loob. Sumunod na lang ako sa kanya papunta sa kusina. Pinanood ko lang syang kumuha ng mga pinggan at ayusin ang Carbonara sa lamesa.

"upo ka. " She smiled at ipinaghila ako ng upuan. For some reason sumunod na lang ako sa kanya. Umupo din sya sa tapat ko at sinandukan ng Carbonara ang pinggan ko.

"Ang tagal na rin pala mula noong nag sabay tayo kumain ano?" She laughed trying hard to lighten the atmosphere.
"Sumasabay po kami ni Alistair sa inyo dati. "
Sagot ko na lamang at kumuha ng subo sa pinggan.

"Yung tayong dalawa lang. " She smiled at kumain din ng Carbonarang sa tingin ko ay sya ang nag luto.

"Busy po. " Sagot ko na lang kahit aklng totoo ay iniiwasan ko talaga sya.
"Kumusta ka?" Her soft eyes digging in my skin. Sandali akong natigilan. Napakurap ng ilang ulit.

"May narinig po ba kayo sa usapan namin ni Shimmy?"  Deretsahan kong tanong.

Marahan syang umuling.

"Pero alam kong may problema kayong dalawa. " Nag salin sya ng tubig at inabot nya sa akin.

"Kelan ba ang huling beses na nag sabi ka sa akin?"
Ngumiti sya.

"Tanda mo ba nung nakita mo si Shian na nagbi-bike?"
Tanong nya. Saglit akong natigilan bago napa ngiti. Tanda ko yun!

Nakakuha si Shian ng Bike sa junk shop. Sira na toh pero gusto nyang ayusin at matutong mag bike pero bawal kaming mag akyat ng ibang gamit sa apartment since parehas kaming nasa apartment ni Ms. Collins. Imbis na sumunod ay itinago namin yun sa unit ko at doon namin yun inayos hanggang sa mahuli kami ni Ms. Collins.

"Imbis na magalit kayo sa akin ay tinulungan nyo pa po kaming humanap ng gamit para maayos yung bike ni Shian. "

Tumawa si Ms. Collins at tumango.

"Ang kulit kulit nyong dalawa noon! Kaya imbis na magalit ay sige! Hinayaan ko na lang kayo!"
Parehas kaming natawa dahil in the end natuto din kami ni Shian na mag-bike!

"Hindi ko lang inakala na aabot yang katigasan ng ulo nyo ni Shian sa mga bagay na alam nyong ikapapahamak nyo. "
Natigil ang tawa namin. Nawala ang ngiti ko.

"Okay lang na mag sabi ka. May choice naman ang tao kung tatanggapin ka nila o kagagalitan ka nila sa mga bagay na gusto mong gawin. "

Napa tungo ako. With that. Naramdaman ko na lang ang pag-init ng mata ko. Natatakot akong mag angat ng tingin sa takot na tumulo na naman ang mga luha sa mata ko. At ayokong umiyak sa harap ng kahit na sino ngayon.

"Nakakapagod diba?" Ms. Collins said.
"may mga bagay talaga na sobrang nakakapagod dahil hindi mo kayang gumawa ng kahit na ano para sa bagay na yun. "

Naramdaman ko ang kamay ni Ms. Collins sa ibabaw ng balikat ko.

"Pero hindi naman ibig sabihn ay masama ka na kung napapagod ka sa mga bagay sa paligid mo. "

I fidgeted my finger trying so hard to stop my tears from falling.

"Why don't you take a rest? Then think. "

Ano kayang gagawin ni  Shian? Anong gagawin nya kung nasa posisyon ko sya? Mapait akong napangiti. Malamang na wala sa listahan nya ang umalis sa Palem at pumunta ng Dalton. Hahanapin nya ang mga tao sa likod ng gulong ito and she will do everything to get on the bottom of this.

Itinaas ni ms. Collins ang baba ko at pinatingin ako sa kanya.

"What will Razel do?"

Napamaang ako sa narinig.

What...will...I...do?

On Her HandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon