Chapter 17- Who Are You?

2 1 0
                                    

     Walang ingay sa pagitan namin ni kuya Evan habang nag lalakad kami sa kahabaan ng malawak at walang kalaman lamang hallway. At andun nanaman ang kakaibang tunog na iyon. Tunog na para bang may hollow space sa ilalim namin kahit nasa ground floor na kami.

"sino ba ang sadya mo rito at sumugod ka na lang bigla?"
Pukaw ni kuya Evan. I cleared my throat first before answering.

"dating kaibigan."
Sagot ko na lamang at hindi na tumingin pa sa kanya. Kilala nya si Cynthia dahil kasabayan ni Cynthia si pres. Yap na pumalit kay kuya Evan.

"Si Cynthia ba?"
Napalingon ako sa kanya. Hindi sya na katingin sa akin at deretso lamang sa pag lakad.
I sighed.

"Razel, tumawag sa akin si dr. Cero."
Dagdag nito na nag patigil sa akin.

"anong ibig mong sabihin?"
Tanong ko kahit alam ko naman na kung ano ang ibig nyang sabihin. Bukod kay dr. Cero. Sino pa ba ang mga taong nakakaalam ng sekretong akala ko ay kami lang ni Shian ang may alam? Paano nila nalaman? Dapat ba akong magtiwala?

"isa lang ang hiling ko sayo, Razel. "
Tumigil si kuya Evan sa pag lakad at humarap sa akin. Nasa tapat na kami ng isang mataas na metal na pinto.

"Wag ka sanang magtitiwala agad sa mga bagay na nalalaman mo. Hindi lahat ay kakampi mo."
He said before swiping his palm on the little device at the side of metal door prompting it to open.

Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil Iginiya nya na ako papasok. Akala ko sasamahan nya ako sa loob pero nanatili lamang sya sa loob at sinabing hihintayin nya na lamang daw ako sa labas.

Natutop ako ng salubungin ako ng malawak ngunit walang kalamang-lamang silid na napapalibutan ng dilim kung saan nag liliwanag ang linya ng kulay asul at berde na parang may ikinakahon sa gitna. Tinungo ko ang gitnang parteng nasisinagan ng liwanag na nagmumula sa kisame.

May upuan doon at lamesa sa harap ng...salamin?
A two way mirror must be. Hindi oto ang unang beses na nakita ko ito dahil maraming ganito sa ministry of science. Naupo na ako sa upuan. As if a cue nawala ang reflection ko sa salamin at nakita ko sa kabilang bahagi ang imahe ni Cynthia. Nakasuot siya ng kulay cream na long sleeve polo kung saan naka embed sa kanang parte nito ang logo ng palem detention center. Magulo ang buhok at halata ang pamamayat nya kahit ilang linggo palang naman sya dito.

Kung tutuusin, hindi naman ganun kalala ang kasalanang nagawa ni Cynthia kung ang pag-uusapan ay ang ginawa nyang pananabutahe sa mahabang tradisyon ng techno cup para ikulong sa lugar na ito. Pero dahil under investigation parin ang lahat at inaalam pa ang motibo sa ginawa nya, nasa ilalim pa sya ngayon ng pangangalaga ng Palem Detention Center.

Her smirk caught me off-guard ng magtagpo ang mata namin.

"I know na pupunta ka rin dito."
She said with her surprisingly weak voice.

"So what? Nag tataka ka na ba? "
Dag-dag nya pa sa mapanuyang boses but I chose to remain calm.

"Anong kinalaman ng Alpha Kiaro sa PCA?"
Deretsahan kong tanong. Nanatili lamang ang tingin nya sa akin at ang nakakasuya nyang ngisi.

"Akala ko ba matalino ka?"
Mahinahon nyang tugon na nag pakunot sa noo ko.
"kita mo yang timer sa likod mo?"
Tinuro nya ang digital hologram na nagca-cast ng timer sa ibabaw ng ulo ko.
5:35.5

"In a span of five minutes. Kaya mo bang sumabay?"
Bumalik ang atensyon ko kay Cynthia ng muli syang nag salita na nagpadag dag lalo sa lito ko.

"Alpha Kiaro is just a front. Matagal ng wala ang PCA. So who do you think is behind of all of this?"
She said mockingly before leaning her back.

On Her HandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon