Chapter 9- Alistair's Demise

1 1 0
                                    

Alistair

Alaagaan si Razel dahil masyado syang pala away at padalos dalos sa mga bagay na gagawin nya.
Lahat dinadaan sa pisikal at may katigasan ang ulo.
Hindi marunong makinig at palaging itinataboy ang tao sa paligid nya.
At higit sa lahat sya na lamang ang pamilya ni tita dito sa surface. Hindi ko alam kung bakit sobrang mahal ni tita si Razel. Siguro dahil narin sa sya ang nag alaga sa kanya mula sanggol pa lang.

Nung panahong muntikan ng makulong si Razel sa illusion nya nabanggit sa akin ni tita ang mga pinag dadaanan nya. She's a very troubled girl. That's the very reason why tita made me to be her roommate. I don't know what really happened but base on tita mula daw ng mawala ang kaybigan ni Razel nag bago na ito.

That's why we're here. To protect each other habang mag kasama kami pero heto ako at paulit ulit syang inilalagay sa kapahamakan. Kung hindi lang sana ako sumali sa frat na yun hindi sana nag kaganito! Ang gusto ko lang naman ay ang maging malakas para maprotektahan din sya. Bagay na hindi ko nagawa sa isang taong nawala sa akin.

Mariin kong naihilamos ang palad sa muka ng makita ang kalagayan ni Razel. Nakahiga sya sa sofa nakapikit. Tumutulo ang pawis sa noo nya at halata sa muka ang sakit. Pero sa kabila noon hindi sya nag reklamo o nagsalita. Nakuha nya pang itanong kung ayos lang ba ako o kung nakita daw ba kung gaano sya ka galing sa duel kanina. She even called  a rescue for Marco and his men that's severely injured after fighting her. After that hindi nya na ako hinayaang lumapit la sa kanya.

Maiintindihan ko kung galit sya sa akin. Naiintindihan ko talaga dahil wala naman akong ibang dinulot sa kanya kundi gulo.

"stop blaming yourself hagdan. "
Napatingin ako sa direksyon nya. Gising na sya at sinusubukang tumayo. Agad akong lumapit sa kanya para sana tulungan syang umupo pero itinaas nya lang ang kamay nya at umiling.
Galit talaga sya sa akin.

"naiintindihan ko naman kung galit ka. "
Bumuntong hininga ako at nag umpisang humakbang paatras sa kanya. Ang bigat sa loob na wala man lang akong magawa para tulungan sya.

Napa angat ako ng tingin ng marinig ang mahina nyang pagtawa.

Halos hindi ko na makita ang mata nya sa kanyang pagtawa at lumalabas ang mapuputi nyang mga ngipin. Tila sumasayaw ang kulot nyang buhok sa bawat pag paling ng kanyang ulo.

My heart skipped. Ano toh? Kelan pa huminto at bumilis ng ganito ang puso ko?!

Mas lalong bumilis ito ng magtama ang mga mata namin. Those set of expressive wide eyes na kahit wala syang sinasabi parang nag papahiwatig na rin ng mga nararamdaman nya.
Damn.

"wag kang lalapit sakin. "
She said with a weak smile.

"ayokong mamatay ka. "

Hindi na ako naka pag salita pa ng maramdaman ang pag hinto ni bishop kasunod ang pag daloy ng metallic sound sa paligid.

"registered vehicle. Welcome to ministry of science surface division. "

Saglit akong natigilan sa narinig.
Ministry of science?!

"sa wakas. Kelan ka pa bumagal ng ganyan ha bishop?! "
Nagulat na lamang ako ng biglang bumukas ang pinto sa likuran ko at tuloy tuloy na pumasok ang mga taong naka suot ng ppe at agad na dumeretso sa kinatatayuan ni Razel na ngayon ay wala ng malay.

"welcome. Dr. Lincoln . "
Bishop's voice blared as a tall woman in a white lab gown stepped inside the aeropod and watch her people carry Razel.

"anong ginagawa nyo sa kanya?! "
I blurted at the woman who's now looking at me.

"so you must be Alistair. "
Puno ng awtoridad ang boses nya. Pano nya ako nakilala?

On Her HandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon