Chapter 15- Coming Back

2 1 0
                                    

I feel like as if exhaustion is a walking creature. Parang kelan lang were all cramming sa pagtapos sa robot and now? Kahit yata anong tanggi ang gawin ko ay hindi ko pa rin maiitago na naging mahalaga sa akin ang club. I sighed ng sa wakas ay makaupo ako sa sofa sa loob ni bishop.

"you looked stressed master."
Napa dilat ako matapos ang matagal na pagkakapikit ng marinig ang mechanical voice ni bishop. Dapat yata diko na pinakealaman ang system ni bishop.

"sa st. Paul memorial park tayo."
I demanded bago tuluyang mag patangay sa antok bunsod narin ng pagod.

Madilim. Wala akong ibang makita kundi ang kadiliman na bumabalot sa paligid ko. Kahit ang sarili kong katawan ay hindi ko makita ang alam ko lang ay may sahig akong inaapakan.

Mahigpit akong napahawak sa baril na naka sukbit sa bewang ko ng marinig ang tila pag langit ngit ng isang pinto sa malapit at ang sunod sunod na tunog ng yapak ng tao. Marami sila base na rin sa tunog ng mga sapatos nila. Dahil sa sobrang dilim kinaylangan kong isuot ang isang uri ng contact lense that allows me to see in the dark. Its like a night goggle that is evolved into a contact lenses.

Agad akong napa sandal sa pader ng makita ang pag daan ng mga naka unipormeng lalaki na may hawak na mahahabang baril at goggles.

I had to push my self harder onto the wall just to make sure that no one could notice me but my sudden action made me contact to a panel attached to the wall revealing a wall made out of glass. Mula sa loob naka lagay ang hilera ng mga incubators. Ilan sa kanila ay bakante but to my utter surprise. On the very end of the glass where 2 incubators were located are occupied with two pale almost paper like bodies.

"were here ms. Razel."
Wala sa sarili akong napa kurap ng marinig ang mechanical voice ni bishop. Panaginip lang pala. Gaano na ba ka tagal ng huling beses kong napanaginipan ang eksenang iyon?

Mariin akong humikab at bumaba na sa sasakyan. Agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Malapit na ring lumubog ang araw at dumidilim na ang paligid sa sementeryo kung saan naka libing ang isang taong dahilan kung bakit hindi parin ako sumusuko.

Narating ko ang dulong bahagi ng sementeryo at naupo sa harap ng isang puntod.

"di na ako nag dala ng flowers alam ko naman na ayaw mo non."
I sighed bago isandal ang likod sa puno katabi ng puntod ni shian.

Mariin kong ipinikit ang mata habang dinadama ang init ng papalubog na araw. Dati nung buhay pa sya malaya akong sabihin sa kanya ang lahat lahat ng hinanaing ko sa mundo. Kung paano ako umiiyak kapag nasusugatan. Kung paano kp hiniling na sana may sarili akong magulang. Kung paano nya ako pinapagalitan kapag nakikipag away ako. Miss na miss ko na sya. Miss na miss ko na ang kaybigan ko. Sya at si ms. Collins sila lang ang nag pa ramdam sa akin na walang kulang o mali sa akin. Agad kong pinawi ang luhang pumatak sa pisnge ko. Pagod na ako eh. Pagod na pagod na. Pwede ba na sumuko na lang? Pwede ba yun? Bakit pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat ng nangyayari?

Agad akong napa mulat ng maramdaman ang pag vibrate ng connector ko. Theres an incoming voice message from dr. Cero.

 

   I rushed to bishop as soon as I read his message for me. Its urgent. Hindi nya ako papupuntahin sa lugar na iyon para lang sa wala. I was lost at my own reverie. Bakit kaylangang doon pa sa lugar na iyon? Ano ba talaga ang meron sa web na ibinigay sa akin ni shimmy? At ano ba ang sinasabi ni cynthia? May kinalaman nanaman ba ito sa kakayahang meron ako? Totoo ba ang lahat ng sinabi ni cynthia na ang dahilan ng lahat ng ito ay ako?  I took them off already! I turned them down a long time ago already!

'we have arrived, Master.'
I was sent back from my own reverie ng marinig ang mechanical voice ni Bishop. I pushed a button dahilan para ipakita ng mga screen sa palibot ni bishop ang kabuoan ng lugar.

On Her HandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon