CHAPTER ELEVEN (CIELLE)

54 6 0
                                    

CHAPTER ELEVEN (CIELLE)

 

"Do you like it hija?"

 

Tanong ni Ma'am—este—Tita pala . Jusme! Nakakakaba kaya silang kaharapin . Yung feeling na dapat perfect ang kilos mo? Mapapadasal ka na lang talaga .


Sinipa naman ako ng katabi ko. Wengyang 'to! Kanina pa niya ako sinisipa at gumaganti naman ako! Inshort, kanina pa kami nagsisipaan sa ilalim ng mesa habang kumakain . Ang laki talagang epal neto .


"Opo tita, masarap po."

 

At ngumiti ako ng pagka ngiti ngiti . Masarap naman talaga yung lutong sinigang ni tita . Pero nakakainis kasi 'tong katabi ko . Kanina pa kaya siya!


"Kamusta naman kayo ni Alex?"

 

Patay! Mamaw naman kasi 'tong suplado kong boss! Kung anu-anong plano eh! Mas yari pa tuloy kami neto kapag nalaman nila na as in literal na Walang kami .


Sumulyap muna ako kay Boss bago ako sumagot. Bobo rin 'to eh! Kaya nga ako tumingin sa kanya para back-upan niya ako tapos nginisihan lang ako? Mapapamura ka talaga dito sa walang kwentang 'to!


"Okay naman po tita. We are perfectly fine."

 

Sa kabaliktaran. Bakit ba kasi kailangan namin 'tong gawin eh? Tska bakit ako pa ang napagkamalang girlfriend neto eh halos aso't pusa kami sa cafe .

 

"Kuya! Share your love story! Please, I wanna hear it!"

 

Quits.


At least kapatid na niya ang gumawa ng paraan para patas na kami . Ang hirap kayang magsinungaling! Duh? As if may alam ako sa ganito or may background ako.


Nakakatawa nga yung itsura niya! Hahahahaha! Kung wala lang ako sa harap ng pamilya niya eh sobra ko siyang tatawanan ngayon.


Halatang kabado eh! Hindi man lang kasi ngumiti. Tsk tsk. Nevermind . Siya na ang bahalang gumawa ng paraan dun .



"She is my employee. That's all. "

 

What? Ang korni naman masyado ng lovestory na alam niya! Sa lahat naman ng magsisinungaling, siya ang pinaka senseless!


Sinipa ko nga siya sa ilalim!


"Gandahan mo naman yung kwento, hindi yung halatang nag-iimbento ka lang."

 

Bulong ko sa kanya. Nakatingin lang yung buong pamilya niya samin. Of course, ikaw ba naman makipagbulungan sa so-called-boyfriend-mo.


Eh anonng iisipin nila? Tss.


Kahit kelan talaga walang kwentang kausap 'tong peste kong boss . Tss .

My Short-Tempered BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon