CHAPTER THREE (CIELLE)

100 11 0
                                    

CHAPTER THREE (CIELLE)

"Morningggg!!"

Masigabo, masigabo talaga? I mean, Happy Morning for us! Wooot! We're free . Ang saya pala gumising ng body clock mo talaga at hindi yung maingay na alarm ng cellphone mo or ng alarm clock sa tabihan mo .

Hmm. 10:30 o'clock na pala? infairness, mahaba na rin pala yung tulog ko! Hihihi . Well atleast mababawasan ang layer ng eyebugs ko . Kahit konti .

"Hoy atee! gumising ka na! Mag-aalas onse na!"

Nagulat ako sa sigaw ng kapatid kong si Dansh . Epal talaga 'to eh . Makasigaw wagas? Ano akala niya sakin bingi? Tsk tsk! Malala na ang kapatid ko .

"Gising na ako Danshiell 'no!"

Ganti kong sigaw sa kanya . Umagang umaga ka-imbyerna . Bumangon na ako at saka tumapat sa full length mirror ko . Sabi nga nila, mas nakakadagdag daw ng self confidence ang pagtingin sa salamin t'wing umaga . Oh well, there's no harm in trying naman eh . Walang mawawala so better try .

"Mabasag yung salamin ate! tingin ka ng tingin,sige ka!"

Tingnan mo nga 'tong batang 'to oh! Kanina eh sumisigaw lang , ngayon nandidito na ang paa niya—este mukha niya sa harapan ko .

"Mababasag pala ha!"

Kahit haggard pa ako eh sinarado ko yung pinto at hinabol 'tong kumag na 'to . Kailangan ko siyang turuan ng leksyon! Buti na lang at alam ko na ang weakness niya.

"Ateeeeee! Tama na kaseeeeeeee!!"

Hahaha . Nakakatuwa siyang kilitiin . Napipikon siya kasi hindi siya makatawa . Hahaha! Alam kasi niyang matatalo ko siya kapag tumawa siya eh . Kawawang Dansh .

Dalawa lang kami ni Dansh dito sa apartment na nakuha ko . Mabuti nga at mura 'tong binigay sakin at ayun, na-rent to own ko na .

Wala nga lang masyadong tao dito kasi si Dansh eh busy sa school at ako naman sa work . Minsanan lang kami magkita, kapag gabi na lang at bago umalis sa umaga . Kaya nga nakakamiss maka-bonding ang kumag na 'to kahit papaano eh .

Sila mama at papa kasi eh kasama na ni Bro . My mom died when Danshiell was born. Hindi ata kinaya ng katawan ni mama . While papa, a plane accident . Papunta siyang Canada nun, to visit my aunt . But the plane crashed dahil sa nawalan ito ng signal sa controller .

Okay na kami dun ni Dansh . Tanggap na naman namin ang mga nangyari . Kaya nga nagsikap talaga akong makatapos at ngayon, ako na ang nagpapa-aral sa kumag na 'to .

As soon as I felt tired, I stopped tickling Dansh . Tababoy kasi 'tong lalaking 'to . Hindi naman siya ganun kataba pero I like to call him tababoy . Hahaha!

"Tababoy, kumain ka na sa baba at aalis tayo."

Bigla namang nagkaroon ng twinkles sa mata niya . Kahit kelan talaga 'to . May pagka-gala sa buhay niya eh . Akala mo hindi nakakalabas ng bahay .

"Yes! Sige ate, kumain ka na rin . Nagluto na ako . Tska hindi ako mataba ano ba!"

Hahaha! Paiba-iba ng mood yung sinasabi niya . Sa sobrang excited eh hindi na niya inintay pang makasagot ako at lumabas na siya sa kwarto ko . Napakakulit talaga ng isang yun .

Tutal namiss ko siya eh mas mabuti pang umalis kami . Tutal forced day-off naman namin today .

Kamusta na kaya yung bugnutin kong boss? Sigurado ako na sa mga panahon na ito eh nagwawala na siya dun sa cafe . Hayaan mo siya, pera naman niya yung ipapambili kapag nagsira siya ng kung anong gamit dun sa cafe eh. Tska isa pa, mayaman naman siya , for sure eh kaya niyang bilhin yung mga gamit na basag at sira sa cafe . Nakakatuwang isipin na ang sariling may-ari eh sinira yung mga gamit na binili niya . Hahaha!

My Short-Tempered BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon