[ Her POV ]
There's this guy... And I love him---no scratch that, I like him.
Di ko naman masasabing "Love" na ang nararamdaman ko para sakanya. Di kami close. Di kami nag-uusap. Di rin ako makapagsalita pag malapit siya. And I don't even know if he's aware of my existence.
Madalas kaming mag-usap ng mga kaibigan ko. Tungkol sa tv shows, favorite celebrities, wattpad stories, at madalas about crushes. Di naman mawawala yun. Sa tuwing tinatanong nila ko, hindi siya yung sinasabi ko. Kundi yung friend niya. Ayokong sabihin na siya kasi nahihiya ako. Ewan ko ba sakin. Sa tuwing nag-uusap kami at malapit siya---sila ng friend niya samin, napapatahimik ako. Inaasar tuloy ako ng mga kaibigan ko. Hindi sakanya kundi sa friend niya. Haysss ... Pero ok na yun para di niya malaman na gusto ko siya.
Masaya na ako kahit di niya ko pansin. Pag tumatawa siya, napapangiti ako. He never fails to give butterflies in my stomach. Pag napapatingin ako sakanya, nakikita kong nakatingin siya pero iaalis niya rin agad. Baka may tinignan lang siya sa may likod ko. Ayoko naman kasing mag-assume. Tsaka mahirap din. Pero syempre di rin mawawala sakin, hoping na sana we feel the same for each other.
![](https://img.wattpad.com/cover/38563828-288-k336618.jpg)