She #2

40 2 0
                                    

[ Her POV ]

(Vacant Time)

Nag-aya yung mga kaibigan ko maglaro ng Spin-The-Bottle. Kung kanino man matapat, kailangang mamili kung truth or dare. Pero ngayon puro truth lang. Natanong ko kasi sila kung pano mo ba malalaman kung may gusto din sayo yung gusto mo, at ito yung way na naisip nila. Hayysss... Syempre dapat kasali dito yung friend niya kasi ang alam nga nila yun yung gusto ko. Pero sinuggest ko na isama nila siya, sinabi ko na lang na 'The more, The merrier' ...

Napatingin ako sakanya at nagulat ako nung nakatingin rin siya, pero bigla niyang ibinaling yung tingin niya sa mga kaibigan ko at nginitian sila. Pero yung bestfriend niya nginitian ako. Siniko tuloy ako nung isa kong kaibigan at nginitian na parang sinasabing 'uyyy nginitian ka niya,oh?'.. Ngumiti nalang ako ng tipid sakanya.

Nakabilog na kami sa lapag ng classroom. Kinuha na rin yung bote na papaikutin.

Nag-umpisa na ang laro. Pinaikot nila yung bote sa gitna nung bilog na finorm namin. Di ko alam kung kani-kanino na tumapat yung bote at di ko na rin masyadong pinapakinggan yung mga tinatanong at sagot nila.

Pano kung tumapat sakanya yung bote? Paniguradong about love ang itatanong nila dahil yun ang napagkasunduan namin. Pano kung wala naman pala talagang dahilan yung mga tingin niya?

Nagulat ako nung bigla akong siniko nung kaibigan ko, kaya napatingin ako sa kanila. Tumapat na pala kay Mark, yung bestfriend niya.

"Ok , truth ... May nagugustuhan ka ba sa room natin, sino?" tanong ni Mariz, isa sa mga kaibigan ko.

Kinakabahan ako... Bakit siya nakatingin at nakangiti sakin? Napatingin ako saglit sakanya, nakatungo siya habang nakatingin sa side ng bestfriend niya.

Untold VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon