He #2

31 2 0
                                    

[ His POV ]

Vacant time ngayon at inaya nila kami na sumali sa laro nila. Spin-The-Bottle daw. Pero puro truth lang. Naisip ko na pano kung matapat sakin yung bote at tanungin nila kung sino ang gusto ko? Sabihin ko na kaya? Oo tama... Kailangan ko na alisin 'tong pagiging torpe ko.

Inumpisahan na nila yung laro. Ilang beses na umikot yung bote at ilang beses na rin silang nagtanungan pero pansin ko na parang may iniisip siya. Ayaw ba talaga niya sakin? ba't lagi siyang natatahimik?

Natapat na ngayon kay Bes yung bote...

"Ok , truth ... May nagugustuhan ka ba sa room natin, sino?"

Nakita kong tumingin siya sakanya at nakangiti pa kaya naman napatungo ako. Alam kong di torpe si bes kaya di nako magtataka kung sabihin man niya kung sino talaga ang gusto niya.

"......Si Nikka. Siya yung gusto ko dito sa room"

Untold VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon