[ Her POV ]
"Wala..." isang salita lang yung sinabi niya pero lakas ng impact. Haysss . Sabi na eh, wala talagang ibig sabihin yung mga tingin na yun.
Tinignan ko lang siya. Pero ewan ko kung bakit di niya inaalis yung tingin niya na parang may gustong sabihin. Pero hindi. Baka nagulat lang siya na parehas kami ng nararamdaman ng bes niya kahit hndi naman talaga.
"Uyy Nikka ! Oh sabi sayo, effective yung Spin-The-Bottle eh! Ohmyyy, akalain mo yun, mutual feelings pala. ^_____^" - Nikki
Nginitian ko na lang siya at tumungo na lang. Hinihintay ang uwian. Ang tagal ng oras.
"Uyy try natin yan next time. Para malaman ko kung may gusto sakin si Lance. Hihihi :">"
Napatingin ako bigla. Nakita kong nagulat din sila Mariz, Ayen, at Nikki
"What?! 'Di ba pwede? Hahaha" - Chloe
"Hmm. May sinabi ba kami? Go lang Hahaha" - Mariz, Ayen, at Nikki.
"Eh ikaw Nikka? Ano support ?Haha" - Chloe
"Ha? ah.. Oo naman. Go lang?" yan lang yung nasagot ko sakanya. Samin kasing magkaka-barkada, full support dapat sa crush ng bawat isa.
"Hay nako hayaan nyo na si Nikka. Di pa ata makaget-over sa kilig." - Nikki
Ngumiti nalang ako ng pilit bilang sagot sakanya.
Iniisip ko pa rin yung tingin niya sakin kanina. Ewan ko ba pero parang may gusto siyang sabihin. Pano kaya kung gusto niya rin ako? Pano kung pangalan niya yung sinabi ko sa laro kanina? Ano kaya magiging reaksyon niya? Pano kaya kung gumawa ako ng way para naman kahit papano eh, maging close kami? Dapat pala sinabi ko na sakanila na si Lance naman talaga ang gusto ko at hindi si Mark.
One sided love? Ang hirap naman nito...
