He #1

57 4 0
                                    

[ His POV ]

There's this girl... I don't know what I feel about her.

Ang alam ko gusto ko lagi ko siyang nakikita. Kahit malayo siya, ok lang basta nakikita ko siyang nakangiti at tumatawa kasama ang mga kaibigan niya. Nalulungkot ako sa tuwing may ibang lalaking lumalapit sakanya. Pero ano bang magagawa ko? Eh kung ako mismo, di makalapit.

Sa tuwing malapit ako sa kanila, (minsan kasama ko yung bestfriend ko) pansin ko napapatahimik siya. Napaisip ako. Ayaw kaya niyang nakikita ako? Sa klase, madalas akong nakatingin sakanya. May ilang beses na nahuhuli niya akong nakatingin kaya iiwas ako agad. Nakakahiya. Para akong daga na natatakot na baka makita ng pusa. Kung iniisip niyong torpe ako? Hindi 'oo' ang isasagot ko sayo, kundi 'SOBRA'.

May bestfriend ako, at oo alam niyang gusto ko siya. Minsan binibiro niya ako na may gusto rin daw siya dun. Nung una tinatawanan ko lang dahil alam kong palabiro ang bestfriend ko. Pero nung nagtagal, ewan ko ba pero parang nagiging totoo na. Kahit di niya sabihin, ramdam ko.

Untold VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon