She #3

29 2 0
                                    

[ Her POV ]

"......Si Nikka. Siya yung gusto ko dito sa room"

Nakatingin silang lahat sakin, kasama siya ... Si Nikka pala .

T-teka ! N-nikka ... Ako yun. Pangalan ko yun. Binanggit ni Mark. Ano sabi niya? G--gusto daw niya yung Nikka. At ako ulit yun...

Yung mga kaibigan ko, nakangiti sakin. Ako, ewan. Di naman kasi talaga si Mark yung gusto ko. Pinaikot na nila yung bote. Ako tulala.

"Ohh... This is exciting. Nikka, ikaw naman ngayon! ^____^" sabi sakin ni Nikki, isa sa mga kaibigan ko. "So, sino ang gusto mo dito sa room?"

Di ako nagsasalita. Akala ko naman kasi di magkakagusto sakin si Mark kaya siya yung sinabi ko dito sa mga kaibigan ko. Pano na yan? ayoko namang umasa si Mark. At mas lalong ayokong sabihin kung sino talaga ang gusto ko. Di pa nga kami close, baka iwasan na niya ko.

"Hmm.. pwede bang dare na lang? Tutal yun naman talaga ang rules sa Spin-The-Bottle. Kailangang mamili between truth or dare." alam kong nakatingin silang lahat sakin, kasama siya. Hinihintay nila ang sagot ko.

"Okayy. Tutal ayaw sumagot ni Nikka, kami na lang ang sasagot..." pagkatapos sabihin ni Chloe yun, nagtinginan sila (mga kaibigan ko) at....

Give me ~ M ! *clap*
Give me ~ A ! *clap*
Give me ~ R ! *clap*
Give me ~ K ! *clap*

At yun nga... Ginawa nila yun na full of energy. Napatingin ako sa totoong taong gusto ko... Nakatulala siya.

Untold VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon