He #3

43 1 3
                                    

[ His POV ]

Si best umamin na. Si Nikka umamin rin na gusto niya si bes. At si ako eto nakatulala. Pero pansin ko, bakit parang di siya masaya? Nalaman niyang gusto rin siya ng gusto niya. Kung ako yun, syempre masaya ko.

Pinaikot na nila ang bote. At alam kong ako nalang ang hindi natatapatan nito. At sa inaasahan, tumigil ito sa tapat ko.

"Last but not the least, Lance! same question syempre. Sinong nagugustuhan mo dito sa room?" - Ayen

"Wala..." yan na lang ang nasabi ko pagkatapos. Natapos na rin ang laro dahil ako na nga lang hinihintay na matapatan ng bote.

Napatingin ako kay Nikka at nakita kong nakatingin siya. Hindi ko inalis ang tingin ko. Sana ganito na lang. Pero hindi. Dahil bigla siyang kinausap ng mga kaibigan niya at kita mong kinikilig at masaya sila dahil sa parehas na sagot nila Nikka at Mark.

Hindi lang sayang. Kundi napakalaking SAYANG. Kung nauna lang sanang tumapat sakin yung bote keysa kay bes, sana nasabi ko agad na gusto ko siya. Kung ibang pangalan lang sana yung binanggit niya at hindi ang pangalan ng bestfriend ko, sana nagkaron man lang ako ng lakas ng loob na umamin kahit wala ang larong yan.

Untold VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon