ISWSC part 19 D-daddy?

16 0 0
                                    

Ice POV

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa ibaba  para bang may nag kakasiyahan doon.


Bumangon ako at dumiretso sa Bathroom para mag ayos muna bago ko tignan ang nangyayari sa ibaba.


Pag labas ko ng kwarto ko ay agad akong bumaba para hanapin kung saan galing ang ingay na naririnig ko sa kwarto ko.


Pumunta ako sa Sala para tignan kung doon ba nagmumula ang ingay pero wala akong dinatnan na kahit sino


Sumunod naman ay nag tungo naman ako sa Kitchen para tignan  kung nandoon ba sila kuya Yale, cheska at Kyle baka kasi alam nila kung saan nang gagaling ang ingay o di kaya'y may mga bisita sila ngayon pero katulad kanina ay wala din naman akong dinatnan doon


Ang hirap naman nang malaki ang bahay na tinutuluyan ang hirap nilang hanapin  hindi katulad ng bahay namin nila Lei hindi naman kalakihan pero hindi din naman kaliitan yung sapat lang talaga para sa aming mga naka tira nuon doon.


 Dahil hindi ko sila Makita sa kahit saang lugar dito sa bahay ay pumunta na lang ako sa Garden dahil yun na lang ang hindi ko pa napupuntahan.


Pag dating ko doon ay sinalubong ako ng malakas na sinag mula sa ilaw na naikot na animo'y parang nag sasayaw habang tumutunog ang isang masayang tugtugin.


Teka anu bang meroon?


May okasyon ba ngayon?


Bakit hindi ko alam?


Wala naman akong naaalalang okasyon ngayong araw?


Sunod sunod kong tanung sa sarili ko


 Lumapit pa ako nang kaunti sa pintuan para Makita ko kung sinu sinu pa ang nandoon sa lugar pero bigo akong Makita kung sinu sinu sila dahil lahat sila ay busy sa pakikipag usap sa isa't isa .


" Oh! Andito na pala ang hinihintay natin!" masayang saad ng babaeng lumingon sa direksyon ko sa mga kasama nya at lahat sila ay tumingin sa direksyon ko kaya napalingon ako sa likod ko baka yung hinhintay nila ay nasa likod ko na pala at nakahambalang lang ako sa pinto.


Pero sa kasamaang palad wala namang tao doon at ako lang ang nandito sa pintuan


Hindi kaya ako ang hinihintay nila?


 Pero bakit ako anu bang meroon?


" Hoy sinu nililingon mo dyan Ice? Lutang lang ?" mapang asar na tanung ni Cheska tumawa naman si kuya Yale sa di kalayuan


oo si Cheska ang babaeng nag salita kanina


" sinu ba hinihintay nyo? Wala namang tao sa likod ko ah!" saad ko


" ay muntanga lang Ice? Natural ikaw yun ikaw lang naman ang tao dito sa pintuan diba?" saad nya habang natatawa


Sabi ko nga ako ang hinihintay nila natanga pa ako pero bakit ako?


" b-bakit ako?" tanung ko sa kanya


" ang daming tanung basta party party lang masama ba?" saad nya


Oo nga naman hindi naman masama mag pakasaya


" k!" saad ko in cold tone


" ang cold naman tara na nga punta na tayo doon kila kuya Yale kanina ka pa naming hinihintay!" saad nito at nag lakad na sya patungo kung saan nakapwesto sila kuya Yale kaya sumunod na lang ako sa kanya papunta kila kuya Yale


" mommy!" tawag ni Kyle na tumatakbo papunta sa akin


" be careful!" paalala ko sa kanya


"mommy daddy is here!" he said habang ngiting ngiti sa akin saka sya yumakap sa akin


Bigla akong kinabahan at nakaramdam ng matinding takot


Kukunin nab a sya sa akin?


Hindi ko na ba sa makikita ulit?


Ayoko pa !


"s-sinung ....d-daddy?" nauutal na tanung ko sa kanya


Lumingon naman sya sabay turo sa direksyon kung saan nakatayo ang isang makisig na lalaki


Naka fitted shirt sya at maong shorts


 Nag lakad sya palapit sa amin ni Kyle


Lalo akong kinabahan


"ikaw?" gulat na tanung ko nang maaninag ko na ang mukha nya


Lahat ng nararamdaman kong takot at kaba ay biglang nawala at napalitan ng pag tataka


" paano?" tanung ko ulit sa kanya


"  secret!" sagot nya sabay tawa


 Feeling nya nakikipag biruan ako sa kanya


 Kainis sya!


"mommy play lang kami ni daddy ah!" paalam ni Kyle sa akin


"o-ok!" saad ko


"we'll talk later!" saad nito bago sila umalis sa harap ko at pumunta sa lugar na pwede silang mag laro


**********************

A/N: UPDATED!

omg naloka ako sa update ko hindi ko na alam saan patungo ang story na toh! hahaha pasensya na talaga sa late UD ko .. sira si lappy eh nang hihiram lang kay cousin ng lappy nya..

anyway please enjoy reading this story.. please comment and vote!

godbless po!!


yujika^_^

 

its started with a stupid contractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon