ISWSC part 7

45 0 2
                                    

Yale's POV

Matapos kong makausap si Ice kanina ay lumabas na ako ng bahay at nag lakad ako papuntang mini stop para bumili ng maiinom na beer at makakain hindi kasi ako makatulog at mas lalong hindi ako makatulog dahil kay Ice , nag aalala kasi ako alam ko naman na hindi lang yung ang dahilan nya bakit sya umalis sa kanila.

Nung makadating na ako sa store ay kumuha na ako agad ng mga bibilin ko at nag punta na ako sa counter para mag bayad.

Napadaan ako sa Park malapit sa amin at umupo muna ako sa isang bench doon at kumuha ng isang beer at ininum yun .

Wala nang masyadong tao dito sa park dahil gabi na at ang dilim pa dahil walang masyading ilaw.

Napalingon ako sa di kalayuan at nakita ko ang isang babaeng tila naiyak doon , naisip ko agad si Ice para kasi syang umiyak nung nakita ko sya kanina mugto ang mga mata eh.

"ano kaya ang problema nun?" tanung ko sa sarili ko nakakainis naman kasi ang babaeng yun ayaw pang sabihin sa akin kung anung problema nya alam kongg hindi lang yung simpleng away lang may mga mas malalim pang dahilan yun.

Napailing na lang ako sa naiisip ko ngayon 

"makauwi na nga lang"  sabi ko sa sarili ko saka ako tumayo at nag lakad na pauwi

pagkadating ko sa bahay ay pumasok na ako sa bahay at ang bumungad sa akin ay si Ice na mahimbing na natutulog sa sofa at naiwan nyang bukas ang TV at natunog ang phone nya.

Napailing ako sa nakita ko ngayon at pinatay nalang ang TV at hindi ko na pinansin yung phone nya at dumeretso na ako sa kusina

Nilagay ko yung mga nabili ko kanina sa lamesa at kumuha ako ng baso at yelo saka ako bumalik sa lamesa at umupo sa isa sa mga upuan doon.

kumuha ako ng beer sa plastic at ng pag kain at binuksan yun

uminum ako ng Beer bago ako tumingin sa sala kung nasaan si Ice nakita ko ang phone ni Ice sa lamesa tumigil na itong tumunog napagod na siguro sya sa pag tawag

napailing ako nang maisip kong tawagan si Nick para tanungin sa kanya kung anung problema ni Ice at bakit umalis si Ice sa kanila pero syempre mas magandang kay Ice ko na yun malaman para makaiwas sa pwedeng mangyaring gulo pa kaya uminom na lang ako hanggang sa maubos ko na yung 5 bote na binili ko kanina sa store

gusto ko talagang malaman kung anung nangyari sa kanila shit kating kati na ang mga kamay ko dahil gusto ko nang tanungin si Nick about dun.

tumayo ako at pumunta sa bar sa bahay para kumuha ng alak puro hard liquor naman kasi ang meron dito kainis lang kaya kumuha na ako ng kahit anu doon at dinala sa lamesa at uminom ulit.

napatitig ako sa phone ko at hindi ko namalayan na hindi na ako nakapagpigil at nadial ko na ang number ni Nick.

'CALLING'

   NICK

"Nick?" 

natauhan ako ng mag salita sya

[yes ?] tanung nya sa akin 

siguro nag tataka sya kung bakit ako tumawag sa kanya bihira kasi akong tumawag sa kanila dala na din ng trabaho ko.

"ah wala naman may gusto lang sana akong itanung sayo pero wag na lang hihintayin ko na lang syang magsabi sa akin" sagot ko sa kanya

wag na lang siguro baka magalit din kasi si Ice atsaka baka hindi din sabihin ni Nick

[sinung sya? atsaka anu bang itatanung mo kuya sa akin sasagutin ko promise!] saad nya

" baka magalit sya eh ayoko namang sabihin nya na nangingialam ako sa kanya!"

[kuya sabihin mo na hindi naman nya malalaman eh kung sinu man sya]  saad nya

matanung na nga tutal andito na din naman eh wala namang masama kung maitry na itanung sa kanya di ba?

"ah kasi gusto ko lang itanung kung anung nangyari dyan sa inyo at bakit umal...." 

[si Ice ba? andyan sya sa inyo kuya?] pagputol nya sa sinasabi ko

"ah oo eh tinanung ko sya kanina kaso hindi nya sinagot yung tanung ko eh kaya ako tumawag sayo para malaman kung bakit sya umalis dyan sa inyo at kung anu bang nangyari sa inyo" sagot ko

[good... kanina ko pa kasi sya tinatawagan kaso hindi nya sinasagot yung phone eh, pero kuya kasi hindi ko din alam ang nangyari kanina sa kanila ni Lei inutusan kasi ako ni Lei na ilabas muna yung bata dahil mag uusap nga sila dahil sa bata  tapos nung umuwi na kami  saktong lumabas ng kwarto nya si Ice dala dala yung ilan sa mga gamit nya at kinuha sa akin yung bata i try to stop them pero ayaw nya talaga eh atsaka i try to ask her what happen pero hindi din nya sinagot at nag derederetso nang lumabas ng bahay at umalis i want to ask Lei what happen pero wala eh halatang galit din sya kasi binalibag nya yung pinto nung pumasok sya sa kwarto nya] paliwanag ni Nick sa akin pero teka did he say bata?

"teka sinung bata? wala naman akong napansin na bata nung dumating ako kanina eh" takang tanung ko sa kanya

[yeah may kasama syang bata kuya si kyle hindi mo ba nakita hindi man lang din nya sinabi sayo na may kasama sya?] saad nya

"hindi eh  , teka hindi na ba kayo nakapag usap talaga ni Lei after nung nangyari?" tanung ko 

[yes kuya hindi na talaga hindi na kasi talaga sya lumabas ng kwarto nya simula kanina eh]

"ok sige salamat na lang Nick" saad ko

[kuya please talk to her ayokong patagalin nila to ] pakiusap nya sa akin

"ok sige kakausapin ko sya mag pahinga ka na bye"

[thanks bye!]

NICK's POV

"thanks Bye!" paalam ko kay kuya Yale

tumungo ako sa kusina para uminom ng tubig atsaka ako pumanik ng kwarto ko 

atleast after the conversation with kuya Yale mapapanatag na ako na nasa maayos sila Ice i know na hindi naman sya papabayaan ni Kuya Yale makakatulog na din ako at hindi ko na kailangan pang isipin kung nasa maayos ba sila ang tanging iniisip ko na lang ngayon bakit hindi din nya sinabi kay kuya Yale na may kasama syang bata at kung anung nangyari kanina.

nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip ang mga yun hanggang sa makatulog na ako.

************************************************************************************************************

A/N: 

ayan nakapag UD na Ulit .. hehehe ensya na sa UD ko ..pero thank u sa babasa po :)

belated happy moms day sa mga mama nyo...

YUJIKA^_^

its started with a stupid contractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon