Lei's POV
"dude anung plano mo?" bungad na tanung ni Nick na kakapasok lang sa kwarto ko.
" a-anung plano dude?" naguguluhang sagot ko sa kanya hindi ko kasi maintindihan ang sinabi nya sa akin teka baka alam na nya.
Napakamot sya ng ulo bago nag salitang muli
" kailan tayo uuwi? Alam mo hindi kasi tayo makagimik dito sa atin e probinsyang probinsya kasi at ang boring na!" angal nya sa akin., at nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko talaga alam na nya.
" tss! Sa Tuesday uwi na tayo!" sagot ko sa kanya Hindi talaga sya makatiis ng walang gimik.
"Yes!" sigaw nya saka sya lumabas ng kwarto ko
Napahinga ako ng malalim after nung pag uusap namin ni nick
Humiga na lang ako sa kama ko saka ipinikit ang mga mata ko nakakapagod kasi ang mga ginawa namin buong araw maya maya rin naman ay bababa na din ako dahil kakain na kami ng dinner.
Nick's POV
Pagkalabas ko ng kwarto ni Lei ay nag punta na ako sa garden wala naman akong ibang magagawa dito sa amin kundi mag laro ng PSP eh pero naisip ko lang may kakaiba sa ikinikilos ni Lei ngayon, parang may itinatago sya sa akin
Hindi kasi sya mapakali nung mga nakaraang araw ..
"Siguro may itinatagong kalokohan yun ngayon at anu naman kaya yun para itago sa akin? Alam kaya ni Ice kung anu man yun? Sa tingin ko hindi dahil hindi mag tatangkang mag sabi kay Ice yun simula nung nabuo ang dare namin" napailing na lang ako sa mga naiisip ko at binuksan ko na lang ang PSP ko at nag laro na lang ayoko nang isipin muna iyon pero dapat kong malaman kung anu man iyon.
Ice's POV
Nandito ako ngayon sa parking lot at inilagay ko muna yung mga binili kong gamit sa national bookstore para sa project ko at syempre bumili na din ako ng libro ko.
Pag ka balik ko sa loob ng mall ay nag libot lang ako at tumingin ng mga items ng ibat ibang store sa loob ng mall bumili na din ako ng mga items na sa tingin ko ay magagamit ko.
Nakaramdam ako ng gutom kaya kumain muna ako sa isang restaurant doon bago ako bumalik sa bahay
Dumaan muna ako sa isang grocery para bumili ng mga pagkain para may stock kami sa bahay pag ka labas ko sa grocery ay may nakita akong batang lalaki sa hindi kalayuan at tumatakbo itong patawid sa kalsada siguro ay nasa 4 o 5 na taon ang bata, nakakainis lang napakapabaya ng magulang nito para pabayaan ang bata sa gantong lugar.
Napansin kong may sasakyang paparating at ang direksyon nito ay kung nasaan ang bata.
"yung bata!" sigaw ng isang matandang babae.
Tumakbo ako sa kinaroroonan ng bata para maialis sya dun, malapit na ang sasakyan sa amin ng makuha ko na ang bata .
Sumakit ang likod ko dahil sa pag kakabagsak ko sa bangketa. Tumayo ako at tinignan ang bata kung nasaktan ba ito.
"ayos ka lang ba iha?" tanung nung matandang babae na sumigaw kanina nakalapit na pala ito sa amin hindi ko man lang napansin
"opo" sagot ko sa kanya saka ko ulit sinuri ang bata kung nag kagalos ba ito sa katawan
"bata sa susunod wag ka nang tatawid ng mag isa ha asan ba ang mama mo?" tanung ko sa bata
"wala na po mama ko!" sagot sa akin ng bata
"eh ang papa mo?" tanung ko ulit sa kanya
" wala na din po" sagot nya sa akin
"hala eh sinu kasama mo dito?" tanung ko ulit sa kanya
"wala po!" sagot nyang muli sa akin
"naku iha mukhang nawawala ang batang iyan ah dalin na lang natin sa mga police!" sabat ng matandang babae
" ah sige po dadalin ko na lang po yung bata sa police station!" sagot ko sa kanya saka ako tumayo
"lola alis na po kami!" paalam ko sa kanya
"o sige iha mag ingat kayo!" sagot nya sa akin
Nag lakad na kami papunta sa sasakyan ko at nang makarating kami sa sasakyan ay pinasakay ko na sya atsaka ko dinampot yung plastik ng mga pinamili ko at nilagay ko sa likod ng sasakyan ko saka ako sumakay sa sasakyan.
Dumaan muna ako sa isang police station malapit sa lugar na iyon para ireport ang nangyari.
Matapos akong kausapin nung isang police ay umuwi na kami nung bata sa akin muna sya tutuloy hangga't hindi pa nakikita ang mga kamag anak nya kawawa naman kasi ang batang ito isa pa ang sabi sa akin ng police iuwi ko muna ang bata dahil walang aasikaso sa bata dhil hting gabi na at wala nang tao sa opisina ng DSWD.
***Kinabukasan
nag punta kami sa mall para bumili ng damit ni kyle para may pamalit man lang sya habang nasa bahay sya.
Alexis Kyle pala ang pangalan ng batang niligtas ko kagabi, tinanung ko din ang bata kung alam nya ang pauwi sa kanila at ang sagot nya ay hindi.
Nandito kami ngayon sa isang men's section for kids at hinihintay ko syang masukat ang lahat ng napili namin.
"Ma'am!" tawag sa akin ng sale's lady na kasama nya kaya tumayo na ako para lapitan sila
"Ma'am ok na po kasya naman po sa kanya ang lahat ng napili nyo!" saad ng sale's lady
"ok! Saan kami pwede mag bayad?" tanung ko naman sa kanya
"sa cashier number 3 na lang po ma'am" sagot nya sa akin
"ok thank you!" sabi ko sa kanya saka ko kinuha ang mga damit na bibilin namin para bayaran sa cashier
Matapos namin bayaran ang mga damit ay kumain na muna kami ng lunch dahil nagugutom na si kyle.
Pag katapos naming kumain ay umuwi na kami sa bahay para makapag pahinga na sya mukhang napagod kasi sya bago kasi kami mamili ay nag laro muna ito. Nakatulog na nga sya sa kotse habang nasa byahe kami.
Pag kadating namin sa bahay ay binuhat ko na sya papasok ng bahay hanggang sa kwarto ko at inihiga ko sya sa kama.
Bumalik naman ako sa kotse para kunin ang mga pinamili namin para ipanik sa kwarto ang mga ito.
matapos ko ipanik ang mga napamili ay nag pahinga muna ako sa sala ipipikit ko muna ang aking mga mata para makapagpahinga ang mga ito.
May pasok pa din kasi ako sa school bukas kaya kailangan ko nang magpahinga
ilang minuto lang ang lumipas ay may narinig akong pag bukas ng pinto kaya napadilat ako bigla at tumingin sa pintuan at nakita ko silang dalawa na may ngiti sa kanilang labi.
OH NO patay na hindi ito pwede!
***************************************************************
yan na po muna madaming ginagawa ang loka lokang toh.. hehe aminado ako :P ayan maraming salamat po sa mga nag basa at babasa ng story na itey!
BINABASA MO ANG
its started with a stupid contract
Romancestarted in a game that became contract led to a deep passion. they can occur in ANY way?