ISWSC PART 22

27 1 0
                                    

ICE POV

Inis na inis kong ibinalibag ang bag ko sa sofa nang dumating ako dito sa bahay

Nung nakaraan mga babaeng puno ng inggit sa katawan ang nanggulo sa tahimik kong buhay

ngayon naman lalaking walang modo

Hindi ba ako lulubayan ng mga buwisit sa buhay?

Napasabunot na lang ako sa aking sarili nang maalala ko ang nangyari sa school kanina.

napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa sofa nang mas lalong tumindi ang inis na nararamdaman

ko sa hinayupak na yun

alam nyo yung feeling na ang sarap nyang sapakin o kaya'y kalbuhin

FLASHBACK:

Naglalakad ako palabas ng school dahil wala na akong susunod na klase ngayon nang biglang may

bumangga sa akin na isang lalaki at napaupo ako sa daan.

"shit!" mura ko nang bumagsak ako sa sahig.

Tinignan ko sya ng masama pero hindi sya natinag man lang at umalis na.

Tumayo ako at hinabol sya , hinawakan ko sya sa braso nya at pilit na iniharap sa akin.

" Sorry huh, sorry kasi binunggo mo ako!" sarcastic kong sabi sa kanya

" It's ok miss!" saad nya na tila ok lang talaga na nakabangga sya at nag patuloy na sya

sa pag lalakad

ano daw? it's ok? shit anung ok dun e nasaktan ako!

hindi ba sya mag sorry?

Aba't walang modo ang loko!

hinabol ko sya ulit at pinaharap sya sa akin

" Ano na naman ba?" sigaw nya

"Hoy Mister!" sigaw ko habang humahangos pa dahil tumakbo ako para mahabol sya

"oh?"

" ayos ka ah ikaw pa nagagalit?? ikaw na nga itong nakabangga aba't matindi ka wala kang modo

hindi ka man lang marunong mag sorry!" bulyaw ko sa kanya

tinignan nya lang ako saglit at nag lakad na syang muli palayo sa akin

aba't pinanindigan ng loko na wala syang modo

Bwisit!

" hoy hinayupak ka talagang wala kang modo nuh? hindi ka siguro tinuruan ng tamang asal ng mga magulang

mo!" bulyaw ko sa kanya kaya naman nakakuha na kami ng attention ng ibang student na nandoon.

Huminto sya sa pag lalakad at tinignan ako ng masama

" oh anu tinitingin tingin mo dyan?" saad ko

nag lakad sya palapit sa akin at hinawakan ang kwelyo ng damit ko

" Hoy miss wala akong pakialam sa kung anung sasabihin mo o sa tingin mo sa akin, wala akong modo

ok na ba yun masaya ka na? pero wag na wag mo idadamay magulang ko isa pa hindi ko kasalanan na

nabunggo ka kasi tanga tanga at lampa ka...wala din akong balak na tulungan ka kaya mo na tumayo sa sarili mong

dahil may paa't kamay ka nakatayo ka na nga di ba common sense lang miss pwede at isa pa miss

sa pinapakita mo parang wala ding itinurong maganda ang magulang mo palengkera!" inis na sabi nya sa akin

na syang dahilan para hindi ako makaimik agad

its started with a stupid contractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon