Lei's POV
"anong plano mo?" tanong ni kuya Yale
" Ha? plano? what do you mean?" naguguluhang tanung ko din sa kanya hindi ko kasi alam isasagot ko sa tanung nya
"About Ice and the Kid?" sagot nya
Ice and the Kid? ewan ko hindi ko alam!
"Ewan" sagot ko sa kanya
"ewan? Wala ka bang balak ayusin to?" gulat na tanong sa akin
Syempre mayroon naman akong balak ayusin to kaso paano ko naman aayusin ito kung galit pa din sya sa akin at hindi ko naman din alam kung anung gagawin doon sa batang iyon. ayoko namang kupkupin nya yung bata ng ganun ganun lang baka kung ano pa ang sabihin ng mga taong makakakita sa kanila o sa amin baka sabihin nila na dinukot nya yung bata at kinukunsinti pa namin o kaya ginagamit lang yung batang iyon para makuha sa amin si Ice alam ko namang kaya ni Ice ang sarilli nya malakas sya at alam kong kahit wala kami sa tabi nya ay kaya nyang ipag tanggol ang sarili nya sa iba ayoko syang mapahamak at alam kong kapag nakuha nila si Ice sa amin pwede nila yun gamitin para pabagsakin ang grupo. isa pa ayoko syang masaktan kapag dumating na yung oras na kailangan nang umalis nung bata kilala ko sya alam kong masasaktan sya ng sobra kapag nangyari yun.
"Hoy!"
"Ah! ano ulit yun?" tanung ko nang matauhan ako mula sa pag iisip.
"sabi ko wala ka bang balak makipag ayos? natulala ka na lang bigla dyan anu bang nangyayari sayo!" tanung nya
"wala , wala... at oo makikipag ayos ako pero hindi pa ngayon " sagot ko
" ano ? hindi pa ngayon? kelan pa? kapag magugunaw na ang mundo? Lei anu ba naman yang ginagawa mo ? ayusin mo na ito wag mo nang patagalin baka mas lalo pang lumala?" saad nya
Alam ko naman na dapat ko nang ayusin ito pero galit pa sya at saka hindi ko pa alam ang gagawin ko sa bata, hindi ko alam kung hahayaan ko na lang ba sila o hindi... kasi kung hahayaan ko sila madaming pwedeng mangyari kapag hindi naman ganun din.
"Ewan ko di ko pa talaga alam ang gagawin ko lalo na dun sa bata atsaka galit pa sya sa akin kuya Yale alam mo naman sya di ba kapag galit sya ang hirap nyang suyuin " saad ko
"alam ko pero Mahal mo sya di ba?" tanung nya na ikinagulat ko dahilan para hindi na ako makasagot pa sa kanya ng maayos
"ha?"
"Lei wag ka nang magtanga tangahan pa alam ko namang mahal mo sya higit pa sa kaibigan at kapatid diba? nakikita ko naman yun Lei atsaka di ba kaya mo ginawa yung dare para mapapayag mo syang mag karoon kayo ng contract at para kahit papaano makuha mo sya at para walang makalapit sa kanyang iba!" saad nya na talagang hindi na ako nakasagot pa pero bakit doon napunta ang usapan
oo mahal ko sya pero hindi naman yun yung usapan eh ang issue ay yung batang kasama nya na hindi ko alam kung saan nang galing.
"hindi ka makapag salita di ba kasi totoo Lei may mata ako nakikita ko sa mata mo at sa mga kilos mo na mahal mo sya isa pa narinig kita nung nasa kwarto ka na sinasabi mo ang lahat ng nararamdaman mo simula sa dare hanggang sa sinabi nyang ayaw nyang gawin yung contract peroo pinilit mo pa din sya di ba? kasi gusto mo sya!" paliwanag nya
tumayo na sya sa kinauupuan nya saka muling nag salita
"Lei hindi ko na hihintayin pang sabihin mo sa akin ang totoo dahil alam ko ang totoo... pero kung ako sayo wag ka na mag pakaduwag pa at gawin mo ang nararapat dahil ikaw din naman ang mahihirapan sa huli." at saka sya nag lakad
" Kuya ayoko syang mapahamak kaya ako nagalit sa kanya baka mapahamak sya sa ginagawa nya oo mahal ko sya pero hindi yung ang issue dito ang issue ay yung bata paano na lang kung dahil sa batang iyon mapahamak sya baka lalo syang mawala sa akin kuya!" saad ko
BINABASA MO ANG
its started with a stupid contract
Romancestarted in a game that became contract led to a deep passion. they can occur in ANY way?