ISWSC part 6

47 0 0
                                    

CHESKA'S HOUSE

' Naawa ka sa bata? sigurado ka Ice? eh bakit tinawag ka nyang mommy? at bakit hindi ka muna nag tanung sa amin kung ok lang ba sa amin, ayan tayo eh nagdecide ka ng wala kami bakit ikaw lang ba ang nakatira dito Ice? ha? hindi mo ba inisip na may kasama ka dito bago ka nag decide?'

' hanggang ngayong gabi na lang yang batang yan dito Ice mali ito hindi mo dapat sya inuwi may mga taong mas makakatulong sa kanya'

'wala nang pero pero Ice bukas ihahatid ko sya sa mga taong pwedeng makatulong sa kanya'

'oo'

paulit ulit na nag eecho sa utak ko lahat ng sinabi nya kanina sa akin 

nakakainis sya hindi man lang sya naawa sa bata pati pagtawag lang sa akin ng mommy nung bata ginawa pa nyang issue.

grabe talaga sya

hindi man lang sya nag dalawang isip na baka maulit ulit yung nangyari dati?

"Mommy?" napalingon ako sa tumawag sa akin , si kyle

"oh bakit baby?" tanung ko sa kanya habang sya may pag tataka sa kanyang mukha

"bakit po ikaw umiiyak ? inaway ka po ba nung monster? " tanung nya sa akin kaya napahawak ako sa aking pisngi  tumulo na pala ang aking mga luha ng hindi ko na mamalayan tsk kainis nakita pa nung bata

"ang bad nyang monster mommy!" dugtong pa nya

"wala ito baby napuwing lang si mommy walang umaway sa akin ok? tulog na tayo ah gabi na eh!" sagot ko sa kanya

tumango lang sya sa akin saka sya tumayo , tumayo na din ako atsaka ko sya dinala sa guest room nila Cheska 

 nag usap na din kami ni Cheska kanina nung dumating kami dito bakas sa kanya ang pag kabigla nung sinabi ko sa kanya ang nangyari 

hiniling ko din sa kanya na wag na syang mag kwento sa iba pa naming kaibigan at lalong lalo na sa kuya nya dahil ayoko na palakihin pa ito at kung ano man ang nangyari ay sa amin na lamang iyon.

 hiniling ko din sa kanya na wag nyang sabihin na nandito kami sa kanila 

sinabi ko na din sa kanya na aalis din kami bukas at doon na kami muna tutuloy sa rest house ng pamilya namin sa Cavite pero hindi sya pumayag nungg una sabi nya dito na lang daw muna kami pero tumanggi ako sa kanya dahil alam kong matutunton kami nila Nick at Lei dito baka kung ano pang mangyari.

napatingin ako sa tabi ko at nakita kong tulog na si Kyle 

huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng guest room at dumeretso na ako sa Kitchen at kumuha ng tubig at nag tungo na ako sa Sala at naupo ako doon

binuksan ko na lang ang IPOD ko at nakinig ng mga kanta doon habang nakatingin sa wala.

iniisip ko pa din ang mga nangyari kanina nang may naramdaman akong kamay sa balikat ko 

napaligon ako sa likudan ko at nakita si kuya Yale kaya napatayo ako bigla

"kuya Yale?" sambit ko at nginitian nya lang ako

"hi!" bati nya sa akin saka sya umikot mula sa likod ng sofa hanggang sa harap nito kung nasaan ako

"Andito ka pala Ice hindi mo man lang ako sinabihan para nakauwi ako ng maaga!" saad nya saka sya umupo 

 napaupo na din ako sa tabi ni kuya Yale

"sorry kuya biglaan din kasi eh" sagot ko sa kanya

"ah ganun ba? eh anu naman ang dahilan at biglaang napadpad ka dito ?" tanung nya sa akin hindi ako sumagot dahil  hindi pa nya pwedeng malaman kung anu ba ang nangyari kundi malaking gulo.

its started with a stupid contractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon