Nandito ako ngayon sa airport at susunduin ko ang mga baliw kong bestfriend na galing sa japan.
hindi pa man ako nag tatagal sa kinatatayuan ko ay napansin ko na ang isang lalaking kanina pa nakasunod sa akin na tila ba ay binabantayan ako.
napagpasyahan ko na lang na pumunta na waiting area sa loob ng airport dahil naiilang talaga ako sa lalaking nakamasid sa akin kanina pa.
umupo ako sa bakanteng upuan sa bantang unahan at doon na lang ako mag hihintay sa kanila
kinuha ko na lang ang ipad ko at sinuot ang headset nito at nakinig na lang ng mga kanta doon.
ilang minuto na akong nakaupo doon ng mapansin kong andun sa di kalayuan ang lalaking kanina pa naka sunod sa akin kaya nilapitan ko na ito upang komprontahin dahil nakaka inis na ang lalaking iyon.
hindi pa man ako nakaka lapit sa kanya ng tuluyan ay biglang may tumawag sa akin
nilingon ko ito at nakita ko ang dalawa na nag lalakad papunta sa direksyon ko.
Atlast after 3 years nag kita kita na kaming muli , kitang kita sa kanilang mga mata na masayang masaya silang nakita nila ako muli.
Masayang masaya din ako na nag kita kita na ulit kami
Maya maya pa'y nasa harapan ko na sila pero bigla kong naalala ang tukmol na nasunod sa akin.
" T-teka lang ay may pupuntahan lang ako" paalam ko sa kanila, hindi ko na sila hinintay pang sumagot at naglakad na palayo para hanapin ang tukmol na lalaking naka sunod sa akin.
hindi ko na ito nakita kaya bumalik na ako kung saan ko iniwan ang dalawa kong kaibigan.
"Hey Lei , Nick!" tawag ko sa kanila kitang kita naman sa kanila na hinahanap nila ako kaya sumigaw ulit ako
"Lei , Nick! Andito ako! " sigaw ko sa kanila habang papalapit ako sa kanilang dalawa.
"Ice!" parehas na tawag nila sa akin
Sinalubong nila ako ng mahikpit na yakap nang humiwalay na sila sa akin ay agad na nagsalita si Lei.
" saan ka nag punta?" tanung nya sa akin
" a-ahh... wala yun may nasunod kasi sa akin kanina kokomprontahin ko na sana kanina kaso dumating na kayo kaya ayon nung maalala ko hinanap ko kaso hindi ko na nakita e" paliwanag ko sa kanya
" pahanap ko gusto mo?" tanung ni Nick
" naku Nick wag na hayaan mo sya wala naman silang makukuha sa akin e atsaka hayaan mo na yun baka wala lang magawa sa buhay nya" saad ko
"ok! sabi mo eh" saad nya nginitian ko na lang sya
BINABASA MO ANG
its started with a stupid contract
Romancestarted in a game that became contract led to a deep passion. they can occur in ANY way?