CHAPTER 11 : THE START

54 2 6
                                    

Geisha P.O.V.

Naglelecture ngayon si ma'am ng lesson na 'How to Bussiness a Plantation'.
Yeah, Bussiness Administration major in marketing ang course ko pero ang worse di ko to gustong course. I most like drawing buildings ,houses and bridges like an Architect. But I can't. Wala akong magawa. Ako nga daw kasi ang richman's daughter kaya dapat simula pa lang marunong na ako sa mga bussiness thingy dahil I'm the heiress.

(Time check: 6:20 a.m.)

Yes! 10 minutes na lang at music class ko na. Kasali kasi ako sa music club.
Didn't I say I didn't like singing too?
Of course not. I loved singing.
Pero mas nagustuhan ko naman ang music club dahil classmate ko lang naman si Mr. Playboy!
Si Lanx.
Co- incidence nga eh.
Di ko ineexpect na gusto rin niya ang pagkanta. Maybe we are destined? hahaha. Sana.

(MUSIC CLUB ROOM)

Lanx P.O.V.

"Sir! Sige na po, ngayon lang please!
Yun nalang activity namin! (insert pouty lips)" I pleaded.

"Dude, mukha ka ng suso diyan! Hahaha" sabi ng mga kabarkada ko.

"F*ck! Manahimik kayo!" I yelled.

Yep, nandito kami ngayon sa music club room. Ginagamit ko ang makamandag kong charm sa favorite akong professor. Kasama ang barkada. Kasabwat sila mamaya sa gagawin ko.

"O sha , sha! Oo na Mr. Buenavista pero sa isang kondisyon" sagot ni sir.

Puchang kondisyon yan. Daming alam ni sir!

"Anung kondisyon naman yan sir?" sabay na sabat ng kambal na sina Bluien at Greeny.
Pasaway talaga tong kambal na to. Manang mana sa magulang nila na si Reddy at Yellowie. Hahaha.
Pero syempre joke lang un. Di ko nga kilala parents ng mga to eh. -,-

Lumapit si sir sa piano desk, kinuha ang keyboard organ at inabot samin.

"Simple lang, ipagawa niyo yang keyboard na yan within 3 days kasi kakailanganin na yan. Arasso?"

"Areglado sir! , madali lang pala eh. Pero ano ung arasso sir? Bisaya ba yan ng braso?" sabat ni Nash.
Ugok talaga tong isang to.

"Lul. Arasso means okay. Tara na nga sa upuan at magstastart na ang klase." sagot ko kay Nash.
Napakamot ulo ng tuloy siya.
--------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------

"Okay class, good morning."

"Good morning sir." - classmate 1

"Morning." - classmate 2

"Huy agNash! nasaan na ung gitara?" bulong ko kay Nash nagsasalita kasi sa harapan si sir baka mapagalitan kami.

"Lul. Wag mo nga kong tawaging agnas. Di naman ako naagnas ah. Nash dapat!" pagrereklamo niya.

"Oo na, nasaan nga?" pabulong na sabi ko. Tinuro naman niya ang gilid ng upuan niya kung saan nakalagay ang gitara.

"Okay class, the lecture for today all about voice. So in starting this lesson, I wanna hear your voice invidually infront." explain ni sir.

Paktay! Tayo dyan mga classmate, buti nalang si gwapong ako magaling kumanta. Tsk tsk. Pasensya na mga classmate its part of my plan.
Sorry rin Geisha kung gagamitin lang kita. I'm really sorry.

"I will start on mens that start their surnames in letter A and going.
May I call Mr. John Carl Avenido infront" dagdag ni sir.
Yari ka men! Galingan mo. Anung silbi mong magmusic club kung di ka marunong kumanta,diba ?

HIS BESTFRIEND SACRIFICE HIS LOVE FOR HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon